MANILA, Philippines - Uy alam ba ninyo kung anong tama sa inyong mga puso?
Well, para kina Enrique Gil at Julia Barretto, nahanap na nila ang kasagutan sa tanong na ito.
Bagama’t bata pa, alam na ng dalawang Kapamilya celebrities na kailangan nilang pangaÂlagaan ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng healthy lifestyle para sa mas mahabang buhay.
Ayon kay Enrique, naging fan siya ng San Marino Corned Tuna nang simulan niya ang pagkain ng healthy food. Nang malaman niya na silang dalawa ni Julia ang kinuha ng CDO para maging bagong endorser ng San Marino Corned Tuna, pakiramdam lalo ni Enrique na tama ang kanyang naging desisyon.
“I love it! Even before, San Marino Corned Tuna na ang palaging kinakain ko. Then, they got me as their endorser, wow, it’s like a win-win situation.â€
“Before I joined Bachelor Bash, I didn’t know anything, I was like 17 and the youngest at that time. And they told me, ang diet ko nga raw, I can eat crackers and Tuna and since then, it was really effective.
“And what I enjoyed the most, naka-diet ako, pero hindi mo mapi-feel na nagda-diet ka pala,†sabi ni Enrique na favorite ang chili flavor.
Samantala, isang junk food lover naman si Julia bago siya maimpluwensiyahan ni Enrique na kumain ng healthy food. Nagsimula ito nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN afternoon primetime series na Mirabella.
Simula noon, pareho nang nae-enjoy nina Enrique at Julia ang healthy benefits ng San Marino Corned Tuna—kabilang dito ang pagiging less oil, lots of tuna, no preservatives, rich in Omega 3, at mas madaling i-prepare dahil ito’y nasa easy open can.
“Actually, I learned it from Quen. Because on the set, this guy, he diets. And there are times na nakikita ko talaga sa diet niya ang tuna. Sometimes kasi, his face is smaller than mine sa screen, Ha Ha ha! So, every time na may taping kami, I have to diet. I have to try what he does. And, masarap siya,†sabi ni Julia.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Enrique, “Siyempre, kasama si Jules, it was really fun. Sabi nga nila noong first day, how do you like the shoot? SÂiyempre naman, nagba-bike kami ‘tapos nasa beach, tumatakbo, may aso. Ang saya lang.â€
Angel, Zsa Zsa, at Georcelle hahataw na mentors
Magiging mentor para sa bagong season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp sina Georcelle Dapat-Sy na artistic director ng G-Force, Zsa Zsa Padilla, at Angel Locsin. Sila ang magbibigay ng patnubay sa mga preschoolers para maabot ang kanilang ganap na potensyal habang ibinibahagi ang kani-kanilang karanasan sa napiling larangan.
Nagbabalik naman bilang hosts ng Promil Pre-School i-Shine 3 Talent Camp sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli, at Xian Lim.
Sa taong ito, binigyan din ang audience ng pagkakataong bumoto para sa kanilang paboritong i-Shiner sa Wildcard voting. Isang shortlist ng 30 finalists ang nabuo mula dito na naibunyag sa Promil Pre-School i-Shine Talent Camp microsite. Boboto ang audience gamit ang online voÂting sa tatlong kategorya--singing, dancing, at acting. Ang tatlong mga finalist sa bawat category na may pinakamaraming boto ang sasama sa 9 na finalist na pipiliin ng Wyeth Philippines at ng ABS-CBN para mabuo ang top 12 na i-Shiners.
Ang top 12 i-Shiners ay dadalÂhin sa iba’t ibang mga institusyon para sa mga workshop. Ang Grand Finale ay magiging isang grand performance mula sa mga i-Shiners sa tulong ng kanilang mga nanay at mga mentor.
Magmula nang manalo ang mga nakaraang Promil Pre-School Grand i-Shiners tulad nina Lukas Enrique Magallano (2012) at Yesha Camille (2013) ay napanood na sila sa telebisyon at napapansin sa kanilang galing sa pagkanta at pag-arte. Si Lukas ay napanood na sa ASAP, Little Champ, at Muling Buksan ang Puso. Si Yesha naman ay kasalukuyang kasama sa shooting ng isang bagong teleserye kasama ang kanyang i-Shine mentor na si Piolo Pascual.
Magsisimula na ang Promil Pre-School i-Shine 3 Talent Camp sa June 28, Sabado. (SVA)