Singer-actress walang humpay ang kaka-retouch ng makeup kahit matutulog lang
Isang grupo ng mga balikbayan ang hanggang ngayo’y nawiwindang pa rin sa isang singer-actress na nakasabay nila sa eroplano. Labingdalawang oras silang magkakasama sa biyahe, pero takang-taka sila kung bakit palaging nagme-makeup ang singer-actress, samantalang wala naman siyang show.
Maiintindihan daw nila ang ginagawa ng female personality kung may gagawin siyang show, pero wala nga, nagbibiyahe lang naman siya at puwede naman siyang mag-retouch na lang kapag magta-touch down na ang eroplano.
Kuwento ng aming source, “Maya-maya raw, kinukuha ni ____(pangalan ng singer-actress na hiwalay sa asawa pero malaya na) ang makeup kit niya. Retouch siya nang retouch ng make-up niya, lipstick siya nang lipstick.
“Ang ipinagtataka naman ng mga usiserong grupo, paano raw kaya nauubos ang makeup niya, e, tulog lang naman siya nang tulog sa biyahe? Wala naman siyang ginagawa, hindi naman siya kumakanta?â€
Kung limang beses lang daw ay nakapag-retouch ang singer-actress sa kanilang pagbibiyahe. Kuntodo make-up talaga siya, parang malapit na raw lumapag ang eroplano, samantalang nakakailang oras pa lang naman sila sa ere.
“Kapansin-pansin din ang sobrang kapal ng lips ngayon ng singer-actress, kaya ang tuksuhan ng mga balikbayan, ang lakas-lakas daw siguro niyang kumonsumo ng lipstick ngayon,†hirit pa uli ng aming impormante.
Clue! Medyo tahimik ang buhay at career ngayon ng bidang singer-actress sa kuwento. Walang nauugnay na lalaki sa kanya, mga anak lang nila ng nakahiwalay niyang mister na singer din ang kanyang inspirasyon, dapat kumuha ng seminar sa kanya ang isang aktres-TV host na ipinagbubuyangyangan ang kanyang buhay sa publiko.
Stalker ni Jasmine umatake na naman
Ano’ng nangyari? Nang maging panauhin namin sa radyo si Direk Mark Meily ay sinabi nito na matapos nilang imbestigahan ang stalker ni Jasmine Curtis at mapatunayan nilang harmless naman pala ito kaya itinuloy na uli nila ang taping ng Jasmine ng TV5.
Sinisiguro rin ng produksiyon na mapapanood na uli ang serye ng magandang young actress, mapapanood na raw ang ikalawang episode nito, pero bakit replay pa rin ang ipinalabas nila nu’ng Linggo ng gabi?
Bakit kaya hindi naipalabas ang ikalawang yugto ng show ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis, nagkaroon na naman kaya ng problema, umatake na naman kaya ang stalker ni Jasmine?
Sayang na sayang kung hindi magtuluy-tuloy ang palabas, maganda ang unang sultada nito dahil bagong atake ang ginamit ni Direk Mark Meily, napakagandang oportunidad din nito para mailabas ni Jasmine ang kanyang talento sa pagganap.
Masuwerteng batang aktres, maganda na kasi siya ay may bitbit pang talento sa pagpasok niya sa showbiz, hindi nga niya pinagdaanan ang mga hindi kagandahang komento nu’n tungkol sa kanyang ate na ganda lang naman ang puhunan nito.
Hindi na rin maikakaila nina Jasmine at Sam Concepcion ang kanilang relasyon. Nu’ng nakaraang Linggo ng gabi ay magkasama silang nanood ng PBA, hindi man sila nagpapakita ng mga aksiyong magsasabi na sila na nga, ang mga tinginan naman nila ang nagkakanulo sa tunay nilang nararamdaman para sa isa’t isa.
Kapuri-puri rin ang magandang dalaga sa pagpapahalagang ibinibigay niya sa edukasyon, huwaran siya ng mga kabataan, nagsasakripisyo siya sa pagbibiyahe nang balikan sa Australia at Pilipinas para sa kanyang pag-aaral.
Sa Linggo ng gabi ay aabangan uli namin ang Jasmine. Ikalawang episode na nito ang inaasahan naming mapanood sa TV5.
- Latest