Parehong guwapo at matangkad ang dalawang anak ng estranged couple na sina Benjie Paras at Jackie ForsÂter na sina Kobe at Andre Paras. Nasa Amerika ngaÂyon si Kobe para sa kanyang basketball scholarship habang si Andre naman ay siÂyang nasa showbiz na binabalanse ang pag-aaral at maging ang paglalaro ng basketball.
Hindi pa nagkakaayos sina BenÂjie at Jackie pero patuloy siyang nananalangin sa Diyos na sana’y dumating ang panahon na maibalik ang closeness nilang mag-iina.
Samantala, labis-labis ang paÂsaÂsalamat niya sa sayang ibiniÂgay ni Taylor Swift sa kanyang dalawang anak na sina Jared at Caleigh sa recent concert nito sa Singapore na may kinalaman sa kanyang The Red Tour. Sina Jared at Caleigh ay parehong big fan ng international hit maker at conÂcert star. Si Taylor pa mismo ang nagbigay ng instruction sa kanyang team na paupuin sa harapan mismo ng stage ang mag-iinang Jackie, Jared, at Caleigh. Hindi nga lamang nila tinapos ang concert dahil kailangang bumalik ng hospital si Caleigh pero masayang-masaya ang bata at kapatid nitong si Jared dahil dream come true para sa kanila na makita nang personal ang kanilang hinahangaang si Taylor Swift.
Richard kasama na sa mga listahan nina Herbert
Kasama na si RiÂchard GuÂtierÂrez sa listahan ng mga unwed father in showÂbiz na kinabibilangan din nina QC Mayor HerÂÂbert Bautista, Marvin Agustin, Keempee de Leon, Paolo Ballesteros, Diether Ocampo, Mark Herras, at marami pang iba.
Hindi man kasal sa ngayon si Richard sa kasintahang si Sarah Lahbati na siyang ina ng kanyang one-year-old son na si Baby Zion, hindi naman daw ito nangangahulugan na wala ito sa kanilang plano balang araw. Sa ngaÂyon kasi, mas gusto nilang i-enjoy ang kanilang relasyon kasama ang anak nilang si Baby Zion.
Ryzza Mae nalungkot nang malamang ipinagpalit na siya ni Bimby
Napakasuwerte talaga ni Aleng Maliit na si RyÂzza Mae Dizon. Sa loob ng dalawang taon ay tuluyan nang nabago ang kanyang mundo. May sariling bahay, sasakÂyan, mga kagamitan, magagandang damit, at nakakakain ng masasarap na pagkain na never natikman at naranasan ni Ryzza Mae at ng kanyang pamilya nung hindi pa siya sumasali sa patimpalak ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines.
Samantala, nalungkot umano si Ryzza Mae na hindi na niya makakasama sa movie nila ng kanyang Tito Vic (Sotto) ang kaibigan niyang si Bimby Aquino Yap dahil may ibang pelikula itong gagawin na kasama naman si Vice Ganda para sa Metro Manila Film Festival.