Paulo ‘di pa rin sumusuko kay KC

Kagabi ay nagsimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang teleseryeng pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na Sana Bukas pa ang Kahapon. Umaasa raw si Paulo na susuportahan din ng mga manonood ang kanilang bagong programa katulad ng suportang nakuha ng seryeng The Legal Wife na nagwakas na noong Biyernes. Kinakabahan daw si Paulo lalo na pagdating sa ratings.

“Nakaka-pressure lalo na napakataas ng ratings nila and naging very controversial. Ine-expect lang namin na sana ‘yung sumuporta ng Legal Wife, ganundin ang gawin sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” nakangiting pahayag ni Paulo. Kasama rin sa nasabing proyekto sina Dina Bonnevie, Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, at Albert Martinez. Samantala, matagal na ring usap-usapan ang panliligaw diumano ni Paulo kay KC Concepcion. Hindi pa man opisyal na magkarelasyon ay espesyal naman daw ang turing ni Paulo sa dalaga at ganoon din si KC sa kanya.

“Ang masasabi ko siguro hindi pa talaga nagte-take off but it’s not over,” makahulugang giit ng aktor.  

Bea nahihirapang mag-react ‘pag tinatawag na movie queen

May mga nagsasabing si Bea Alonzo na raw ang bagong ‘Queen of Philippine Movies’ pero hindi raw ito masyadong iniisip ng aktres. Hindi rin alam ni Bea kung ano ang dapat niyang maging reaksyon kapag sinasabihan siya ng mga tao nito.

 â€œI still don’t know how to react, ang hirap kasi kung iisipin mo. To be totally honest with you, I feel overwhelmed. I am humbled kasi binibigyan ka ng gano’ng titulo. Pero siyempre iniisip mo, paano ba dapat ako mag-react? Baka magmukha akong mayabang or magmukha akong feeling,” pag-amin ni Bea.

Masaya lamang daw ang aktres na nabibigyang pansin ang kanyang mga ginawang proyekto. “Siguro kahit sino namang bigyan ng title na ‘yun, tataba ‘yung puso. I also feel blessed kasi feeling ko dahil ‘yan sa mga proyektong binigay sa akin ng ABS-CBN,” paliwanag ni Bea. Pinipili na raw talaga ng aktres kung ano ang mga proyekto na kanyang tatanggapin.

“Para sa akin kung gagawa ako ng character, kailangan may resolution kasi meron akong responsibilidad sa mga followers ko, sa mga bata. Kung hinihingi talaga and merong moral value after, why not? Kasi feeling ko ‘yun ang responsibilidad ko bilang artista,” giit ng dalaga.

Gabi-gabi na naman nating mapapanood si Bea ngayong nagsimula na ang bagong serye ng aktres na Sana Bukas pa ang Kahapon.   Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments