Pagkatapos lumabas sa Rhodora X, isa namang respetadong bading na kaibigan ni Gabby Eigenmann sa Dading ang karakter na ilalarawan ni Gardo Verzosa.
Enjoy siya ngayon sa kanyang role dahil malayo ito sa tunay na personalidad na brusko at lalaking-lalaki. Sinabi ng aktor na maganda agad ang cheÂmistry nila ni Gabby at madaling makaarte bilang mga bading dahil magaling na artista si Gabby.
Sa kabilang banda nanganak na ang kanyang live-in partner at ito ang una niyang anak na lalaki na pinangalanang si Uziel na ang ibig sabihin ay Hebrew God na may strength. Inspirado siya ngayon sa trabaho dahil nakalalaki siya.
Payag ka bang makipag-love scene sa kapwa lalaki? tanong namin.
‘‘Oo, wala namang masama laluna kung hinihingi naman ng role ko. Isa pa kahit gay teleserye ito ay may puso naman.’’
Tinanong din namin siya na sakaling sabihan siya ng kanyang anak na ito’y bading o bakla ano ang kanyang magiging reaksyon?
‘‘Tanggap ko siya bilang bading o bakla at pilit ko na lang siyang uunawain at mamahalin,’’ sey pa nito.
Nagbiro pa rin ito na kailanman ay ‘di siya puwedeng pumatol sa kapwa lalaki sa tunay na buhay dahil ‘‘pechay’’ pa rin ang gusto niya sabay halakhak.
Napadako naman sa pulitika ang aming usapan dahil tumakbo bilang pinuno ng barangay ang kanyang ina pero sinamang-palad na matalo.
Ayon sa aktor bumoto lang siya nang pumasok sa eleksyon ang kanyang ina. Naniniwala si Gardo na magiging maunlad ang ating bansa kung hindi corrupt ang mga namumuno.
Nagpaturo ng pagkarga ng sanggol, glaiza ready na maging nanay
Kahit magaling na artista si Glaiza de Castro ay naninibago pa rin ito sa bagong soap opera na Dading na malayo sa imahe niya bilang kontrabida na laging galit at sumisigaw. Dito ay mabait ang karakter na ginampanan niya. Magiging ina siya rito at payag siya dahil sanggol naman ang kanyang magiging baby. Nagpaturo pa nga siya sa pagkarga ng sanggol. Nang iwan siya ng nobyong si Benjamin Alves ay ipinaampon nito ang anak kay Dading.
Kabila-kabila ngayon ang mga proyekto ni Glaiza dahil hindi siya napapagod sa pag-aaral ng kanyang craft at pangarap makakuha ng acting award someday.