Natutuwa si Jake Cuenca ngayon dahil marami ang nakapapansin sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Franco sa teleseryeng Ikaw Lamang.
“Sobrang flattering sa akin ‘yon kasi more than anything, tanggap ng tao ‘yung versatility. Tanggap ng tao ‘yung lahat ng aspeto ng acting na binibigay ko. Ginagawa kong malaking bagay na mag-aral pa and to do my homework,†nakangiting pahayag ni Jake.
Mas kaabang-abang pa raw ang mga eksena ngayon sa nasabing proyekto dahil mas magiging masama pa ang karakter ng aktor. “Mas masama siya ngayon at mas malupit ang gagawin niya ngayon,†maikling paglalarawan ni Jake.
Samantala, masaya rin ngayon ang binata sa karelasyon niya na isang modelo. Para kay Jake ay ito na raw ang gusto niyang makasama habang buhay.
“Sobrang swerte ko na nakilala ko ang girlfriend ko na si Chanel, and I think this one is for keeps,†giit ng aktor.
Ellen nahihiwagaan kay Zanjoe
Masayang-masaya si Ellen Adarna dahil nakasama siya sa pelikulang My Illegal Wife na pinagbibidahan nina Pokwang at Zanjoe Marudo. Hindi raw nahirapan ang sexy actress sa kanilang proyekto dahil comedy ang tema nito.
“Very light and funny lang kami dito. Tawa lang kami nang tawa, gano’n lang. Parang hindi nagtatrabaho, very light lang.†bungad ni Ellen.
Bilang baguhan sa industriya ay malaki rin ang pasasalamat ng dalaga sa kanyang mga kasamahan sa pelikula dahil sinuportahan siya ng mga ito.
“Parang very mysterious si Zanjoe. Tahimik lang siya eh, very tahimik. Kasi ‘pag nag-eksena kami, lines lang. Tapos ‘pag nasa tent kami pahinga lang. The other cast members naman they’re very fun to work with and very light, very patient with me kasi bago lang ako. So minsan sinasabi ko talaga sa kanila, ‘Sorry po if magkamali ako. Please understand,†nakangiting kwento ni Ellen.
Kahit nakilala bilang sexy actress ang dalaga ay hindi naman daw siya nagpakita ng katawan sa nasabing pelikula.
“May eksena na pakita ‘yung tiyan pero ‘yun lang tapos stretching-stretching, gano’n. Wala namang mga kissing scene, walang lap dance. If ever may sexy naman na kailangang gawin, kasi required naman do’n sa characters na kailangan ko gawin ‘yun,†paliwanag ng aktres.
Samantala, isang non-showbiz guy ang karelasyon ngayon ni Ellen at aminado ang dalaga na mahilig talaga siya sa matatangkad na lalaki.
“Maybe because I’m small? I’m only 5’1â€. Para mas madali ako kargahin. Gusto ko talaga ‘yung matangkad. Lahat ng mga boyfriends ko mga 6’1â€. ‘Yun talaga ang type ko. Hindi ko alam, ever since before gusto ko lang ng matangkad. Para pang-carry everywhere, ang liit-liit ko kasi eh,†natatawang pahayag ni Ellen. -Reports from James C. Cantos