Marami ang nag-like sa litrato ng first kiss nina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo.
Walang puwede na magsabi na may edad na pinipili ang pag-ibig at perfect example ang love story nina Mama Boots at Atty. King.
Gustung-gusto ko ang kuwento na nagmano ang mga bagong kasal sa kanilang mga ninong at ninang nang dumating sila sa wedding reception sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.
Nakakatuwa sina Mama Boots at Papa King dahil sinunod nila ang tradisyon na dapat matutunan ng mga kabataan ngayon.
Hindi lamang ang pagpapakasal ng kanyang mga kaibigan ang itinanong kay Papa Erap ng mga reporter.
Kahapon ang Father’s Day kaya tinanong si Papa Erap tungkol sa mga plano niya. Ang sagot ni Papa Erap? “Hindi ako kasali doon. Grandfather na ako hehehehe. Ang mga anak ko ang dapat na mag-blow out sa akin!â€
Ang lakas talaga ng sense of humor ni Papa Erap na isa sa pinakamaligaya para sa bagong chapter ng buhay nina Mama Boots at Atty. King. Matalik na kaibigan ni Papa Erap si Mama Boots. Walang special event sa buhay ni Mama Boots na hindi pinuntahan ni Papa Erap.
Kasabay ng Roa-Rodrigo wedding ang pagdiriwang ni Atty. King ng kanyang 75th birthday noong June 14.
Masuwerte si Atty. King dahil nasaksihan ng nanay niya ang kanyang muling pagpapakasal. Kinaiinggitan si Atty. King dahil sa edad na 99, malakas na malakas pa rin ang kanyang ina.
Pareho ng venue ang wedding reception nina Mama Boots at Atty. King at ang venue ng binyag at birthday party ni Zion, ang anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.
Patalbugan ang wedding cake ng bagong kasal at ang birthday cake ni Zion. Sa tantiya ng mga bisita sa kasal, 5-feet ang taas ng white wedding cake nina Mama Boots at Atty. King at 7-feet tall naman ang birthday cake ng most photographed na anak nina Richard at Sarah.
Richard hindi nauubusan ng kuwento sa anak
Inspired at masipag si Richard Gutierrez na mag-promote ng Overtime dahil wala na siyang inililihim sa publiko.
Ang sarap-sarap daw pala ng pakiramdam ng isang ama. Dati-rati, naririnig lang ni Richard ang mga salita na masarap na maging tatay hanggang maranasan niya. Iba raw pala talaga ang pakiramdam.
Hindi nagsasawa si Richard sa pagkukuwento tungkol sa anak nila ni Sarah. Kahit paulit-ulit ang mga tanong ng mga reporter na nakakuwentuhan niya sa pocket presscon ng Overtime, hindi nasawa si Richard sa pagsagot at hindi siya nauubusan ng mga kuwento ‘ha? Basta ang kanyang anak ang topic, okey lang sa mga reporter na abutin ng overtime ang story telling ni Richard.