Veteran actor payag sa tf na P10k sa indie kahit P100K kada taping sa serye

Kaiinggitan ng kapwa niya veteran stars ang aktor na ito ‘pag nalamang P100,000 per taping day ang talent fee nito sa isang soap. Ilang veteran stars na lang ba ang nakakapag-demand ng ganito kala­king talent fee?

Aksidenteng nalaman ito nang kaibigan ng kanilang pamilya dahil kaswal na naikuwento ng misis ng aktor. Nabanggit kasi ng misis ng veteran actor na maliit lang ang bayad sa mister niya sa ginagawa nitong indie film at tila P10,000 lang. Malayo raw sa tf ng asawa sa ginagawang soap at nag-quote nga ito ng amount.

Kaya okey na rin kay misis kung maliit ang tf ng asawa sa indie film, bumabawi naman ito sa kinikita niya sa soap. Kung three times in one week siya nagti-taping, may panggastos na sila at may maiipon pa.

Three to four months tumatakbo ang soap, malaki ang kikitain ng aktor hanggang sa last taping day niya. Sabagay, worth it ang ibinabayad ng network sa aktor dahil mahusay ito sa ginagampanang role.

Ryan inuuna ang trabaho

Ayaw sanang magtrabaho this Sunday ni Ryan Agoncillo dahil Father’s Day at gustong i-celebrate ang araw na kasama ang asawang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan at Lucho. Kaya lang, matagal nang naka-schedule ang presscon ng sitcom na Ismol Family na kanyang pinagbibidahan dahil airing na nito sa June 22, kaya no choice si Ryan.

Ang plano nito, after the presscon na lang nila isi-celebrate ang Father’s Day, kaya maaga siyang dumating sa presscon para maaga ring makaalis at para mahaba-habang oras nilang isi-celebrate ang araw niya bilang tatay.

Sa tanong kung anong klaseng ama siya? “I hope I’m doing a good job. I’m very firm at hindi ako naniniwala sa spoiling a child. Mas bilib ako sa quality time,” sagot nito at kanyang ginagawa.

Si Carla Abellana ang leading lady ni Ryan sa Ismol Family, okay daw ang aktres na katrabaho at hindi nila kailangan ng unnecessary tsika para ma­ging maayos ang kanilang trabaho. Walang pressure sa pagtatrabaho nilang dalawa.

 

 

 

Show comments