Dati nang may imahe ang kilalang aktres na ito sa pagiging maldita laluna nung kasagsagan ng kanyang kasikatan. Pero magmula nang ito’y magkaasawa at magkaroon ng anak ay nabawasan ang kasikatan nito lalupa’t matagal na rin naman wala siyang proyektong ginagawa kahit sa telebisyon na dati niyang pinagre-reynahan.
Celebrity endorser ang nasabing aktres ng isang kilalang beauty brand at existing pa umano ang kontrata nito sa kanila kaya inimÂbitahan nila ang aktres sa kanilang maÂjor event kamakailan lamang. Pero ganoon na lamang ang disappointment ng mga tao behind the beauty brand na ini-endorso ng aktres dahil hindi ito sumipot sa kanilang event.
Kaya malamang na tapusin na lamang ang kontrata ng actress at kukuha na lamang sila ng mas sikat at mas professional na celebrity endorser.
Natatandaan pa namin noon ang inasal ng nasabing aktres sa isang TV crew ng isang major TV station na dumayo pa sa location ng pelikulang ginagawa ng actress sa imbitasyon ng PRO ng film outfit. Sa halip na mag-grant ng interview ang aktres ay pinagsarhan pa ng pintuan ang TV crew na pinamumunuan ng isang kilala at respetadong TV entertainment reporter.
Dahil sa kamalditahan ng actress ay matagal na siyang walang career.
Oras ni Mark nauubos sa anak
Wala pang bagong assignment si Mark Herras kaya naman marami siyang oras sa lovechild na si Ada at sa paggi-gym.
Aminado ang aktor na mas nagkaroon ng meaÂning ang kanyang buhay nang lumabas si Ada. Nabawasan umano ang kanyang paninigarilyo, gimik, at pagiging magastos.
Mark spends Father’s Day with Ada pero hindi pa umano niya alam kung lalabas silang mag-ama o sa bahay lamang maglalaro.