Hindi lamang naman ang pagkakaroon ng relasyon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang unti-unti nang nagkakaroon ng hugis simula nang lumabas sila in public on a date na kahit hindi silang dalawa lamang at kasama ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo making the date a foursome. Mas pinatatag pa ang sinasabing relasyon nila sa pagkakabatid ng lahat ng kanilang term of endearment na “Mahal†pala.
Marami ang naniniwala na hindi isang pagkakaÂmali ang pagkaka-wrong send ng isang message na ginawa ni Matteo kay Direk Wenn Deramas na tinawag niyang “Mahal†kundi isang hindi direktang pag-amin na may tinatawag siyang Mahal at gustong paniwalaan ng lahat na si Sarah na nga.
Jackie tinapos na ang isyu sa kanila ni Isko
Hindi lamang ang anak ni former president at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada na si Jackie Ejercito-Lopez na ang nag-deny na may relasyon sila ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na mahigit pa sa pagiging magkaibigan kundi maging si Vice Mayor Isko rin. Kung nakikita man silang madalas sa mga okasyon na may kinalaman sa lungsod, ito ay sa dahilang marami siyang ginagawang trabaho para sa kanyang ama at pinatutulungan siya nito sa kanyang Bise. Katulad na lamang nitong gaganaping Miss Manila. Talagang buhos ang atenÂsyon ni Jackie sa proyekto. Gusto niya na talagang makiisa ang mga taga-lungsod sa paglahok sa paÂligsahan para makakuha sila ng talagang deserÂving winner who will represent the City.
Dahil matagal na sa kanyang trabaho bilang bise si Isko, sino pa ba naman ang maaasahan ni Mayor Erap para tumulong sa kanyang anak? ‘Yun nga lamang, hindi niya akalain na ang pagsasama ng dalawa will start a controversy na ngayon ay pilit itinatanggi ng dalawa.
Maaring pinagsimulan ng rumor ang pagkakaro’n ng gusot sa pagitan nina Jackie at ng asawa niyang si Beaver Lopez. Pero sabi nga niya ay pinagÂdaÂraanan ito ng mga mag-asawa at umaasa siyang maÂaayos nila ito. Sa parte naman ni Bise, maayos ang marriage nito with his wife at may apat silang luÂmalaking mga anak.
Kris masaya na naman
Hindi naman nagtagal ang pagiging ‘di okay ni Kris Aquino. Masaya na uli ang hitsuÂra niya. Parang nakarecover na siya sa sinasaÂbing sakit na naramdaman ng kanyang puso. I’m sure kung daÂrating din siya sa ganung sitwasyon ay mas pipiliin din niya sina Bimby at Josh.