Mr. World kokoronahan sa England

SEEN : Bibinyagan ngayong hapon si Zion Lahbati Gutierrez, ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. 

Triple celebration ang mangyayari dahil kasabay ng binyag ang 1st birthday celebration ni Zion at ang Father’s Day celebration ni Richard.

 SCENE : Ngayon ang coronation night ng Mister World 2014 sa Devon, England. Host si Miss World Megan Young at si John Spainhour ang official representative ng Pilipinas sa Mister World.

SEEN : Ang foul at tsismosong-tsismoso na tweet ni Jim Paredes tungkol sa Father’s Day: Tomorrow being Father’s day, there will again be mass confusion at the Estrada, Revilla Sr. homes.

SCENE : Laugh trip ang P200,000 na barya, korona ng patay at lapida na premyo ng mananalo sa Suffer Sireyna, ang contest ng Eat Bulaga para sa mga bading na hindi kagandahan ang itsura.

SCENE : Boto ang fans ni Sarah Gero­nimo kay Matteo Guidicelli bilang boyfriend ng singer/actress. Nagkasama sina Sarah at Matteo sa Catch Me, I’m in Love, ang 2011 movie ng Viva Films at Star Cinema kasama si Gerald Anderson.

SEEN : Nagbago ang hitsura ni Jake Vargas dahil sa kanyang mga kilay na parang inahit at binawasan.

SCENE : Successful ang Freedom Concert Tour nina Marian Rivera, Ogie Alcasid, Alden Richards at Regine Velasquez noong Biyernes ng gabi sa Shrine Auditorium, Los Angeles, California.

Show comments