Gerald, susugal sa pagpu-produce
Ngayong araw na magsisimula sa ABS-CBN Sports Channel ang bagong programa nina Piolo Pascual at Gerald Anderson na Team U. Layunin ng nasabing palabas na matulungan ang mga kabataan na mahilig sa sports na magkaroon ng tamang pagsasanay kasama ang ilang mga eksperto. “We just want to deal with the stories of the athletes’ lives and also the coaches’ and how it can better improve not just the training but ‘yung exposure lang of what they need. There is also a call to action after each episode because we want to be able to reach out to more schools and to more athletes and to also explore what they need para we can also help them,†nakangiting pahayag ni Piolo. “Part kami talaga. We are part of the creative process, of the production team and we meet with everyone, basta it’s a good experience. I love doing this. I love sports, it’s a vehicle para sa akin, †pahayag naman ni Gerald.
Bukod sa pagiging host ay ito rin daw ang kauna-unahang pagkakataon na mag-produce ni Gerald ng isang programa sa telebisyon. “Ito kasi first time ko mag-produce and I am still learning the ropes. Unti-unti, araw-araw, I take it day by day,†pagbabahagi ni Gerald.
Zanjoe hindi malimutan ang ginawa nila ni Pokwang
Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang pelikulang My Illegal Wife na pinagbibidahan nina Pokwang at Zanjoe Marudo. Mainit na pinag-uusapan ang bed scene nina Pokwang at Zanjoe dahil talaga naman daw ginawa ng dalawa ang lahat ng kanilang makakaya para rito. “Kasi buong araw naming kinunan ‘yung eksena sa kama kaya buong araw kaming nakababad sa kama. Wala nang naging pakialaman kung mauntog man o masipa,†nakangiting kwento ni Zanjoe.
Hindi raw nakaramdam ang aktor ng malisya sa nasabing eksena lalo pa’t kilala niya si Pokwang bilang isang magaling na aktres. “Si Mamang napaka-maalagain kaya mahal na mahal siya ng mga katrabaho niya dahil ‘yung nakikita natin sa mga pelikula kailangan kasi ‘yun sa script, hindi naman dahil nangha-harass. Ipinagluluto pa kami lagi niyan, kaya masasabi ko na napakabuting tao talaga ni Mamang,†giit ng binata.
Hinahangaan din ni Zanjoe ang pagiging mapagmahal ni Pokwang sa pamilya. Hindi raw nakikipagrelasyon ang aktres upang maitaguyod ang anak at ang buong pamilya. “Siguro hanggang ngayon kaya wala siyang partner kasi inuuna niya ‘yung anak niya, ‘yung pamilya niya, ‘yung future ng mga kapatid niya, naka-focus siya doon. Pero hindi naman malayung-malayo dahil ang dami-daming manliligaw, ang dami-daming nagkakagusto. Siguro hindi niya lang talaga pinag-iiisip. Hindi malayong mahalin si Mamang. Unang-una sa ugali tapos ang sexy pa ng katawan,†pagtatapos ni Zanjoe. -Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest