Columbian suitor ni Jessy na nakipag-bonding sa Korea, instant co-host sa Matanglawin
MANILA, Philippines - Muling nagbabalik ang ambassadress for Korean tourism sa bansa na si Jessy Mendiola sa South Korea para naman ipamalas ang ganda ng Jeju island ngayong Linggo (June 15) sa Matanglawin.
Panoorin si Jessy sa kanyang pag-iikot sa tanyag na tourist spot na pinangaÂlaÂnang isa sa Seven Wonders of Nature noong 2011 kasama ang isang hindi inaÂasahang bisita - ang kaibigang Colombiano at nababalitang bagong manliligaw nito na si Sebastian Gasca.
Una nang pinahayag ni Jessy na ang bagong kaibigang si Sebastian, isang 19 taong gulang na university student mula Colombia, ay dumayo pa ng Jeju para lang muling makita siya matapos silang magkakilala sa Boracay noong Mayo.
Dapat sana ay bibisitahin lang ni Sebastian si Jessy ngunit napasabak na rin sa harap ng camera ang Colombiano matapos siyang biglang isama ng production team ng Matanglawin para maging bahagi ng episode.
“Ang layo ng nilakbay niya kaya nagdesisyon kami ng mga kasama ko na isama na siya sa entourage namin para naman makapag-ikot din siya sa isla. Maayos naman lahat at buong oras ay sumasama lang siya sa shoot at kung saan kami pupunta. Nagulat na lang ako ng inalok siya ng staff na maging part na ng episode at kunan din ng ilang eksena,†paliwanag ni Jessy.
“Siguro naging kumportable lang din agad sa kanya yung staff kasi likas na palakaibigan at mabait si Sebastian.â€
Samahan ang dalawa sa kanilang bonding sa Cheonjiyon falls, kung saan maari umanong humiling ng swerte sa pag-ibig o karera.
Hindi pa diyan natatapos ang adventure dahil ipapakita rin sa episode ang Alive museum, kung saan tila buhay ang mga artworks na naroon, at Teddy Bear museum, kung saan nagkalat ang mga cute at iba’t ibang anyong teddy bears.
Mula sa mga kilalang tourist spots, sasabak din si Jessy sa isang food trip at titikman ang mga Korean dish tulad ng bibimbap, bulgogi, at classic samgyeopsal.
Huwag palalampasin ang Matanglawin sa Linggo (June 15), 9:30 a.m. sa ABS-CBN.
- Latest