Marian Rivera naki-bonding sa mga may kapansanan sa GenSan
MANILA, Philippines - Abala man siya sa paghahanda para sa kanyang bagong dance show na Marian na mapapanood na simula June 21 sa GMA Network, hindi pa rin nakakalimutan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanyang tungkulin bilang Ambassador for Women and Children with Disabilities.
Sa tulong ng GMA Regional TV, bumisita ang aktres sa General Santos City noong Hunyo 1 upang makasama ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng Kapuso Outreach Activity at Kapuso Fans’ Day.
Bumisita si Marian sa City Social Welfare and Development Office kung saan ay pinasaya niya ang 48 na mga babae at batang may kapansanan mula sa iba’t ibang barangay ng Lagao, Dadiangas North, Dadiangas East, DaÂdiangas West, Bula, BaÂluan, San Isidro, at Mabuhay.
Bukod sa mga dala niyang relief goods, school supplies, at ilang GMA memoÂrabilia, nagpalaro rin si Marian at namigay ng mga papremyo. NagdagÂdag din ng saya sa event ang komedyanteng si Boobay.
“Malaking bagay para sa akin ang maging insÂpirasyon sa mga may kapansanan kaya naman hangga’t may pagkakataon, gagawa at gagawa ako nang paraan para makatulong. Thankful din ako sa GMA Network na nagsisilbing tulay upang maiÂpaÂÂabot ko ang pagmamahal para sa ating mga kaÂbabayan,†pahayag ni Marian.
Samantala, pagkatapos ng outreach activity ay nagtungo naman ang aktres sa SM City General Santos para sa isang Fans’ Day na dinaluhan ng higit-kumulang 5,000 katao.
- Latest