National Artist ni Ate Guy naunsyami na naman
MANILA, Philippines - Nganga ang fans ni superstar Nora Aunor na naghintay sa declaration ng kanilang idolo bilang national artist noong nakaraang Independence Day.
Ilang araw bago ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, sunud-sunod ang press release na idedeklara na ang superstar bilang isa sa pinakabagong national artist, pero sadly walang naganap na announcement ang Pangulong Noynoy Aquino sa halip nga eh nayari pa ang mga artista dahil sinabi nitong ‘wag daw iboboto ang mga magaling bumasa ng script, magaling sumayaw, at kumanta na alam naman natin kung sino lang ang pinatatamaan niya.
So ano nga bang nangyari sa pagiging national artist ni Ate Guy?
May tinanungan akong taga-Malacañang pero wala talaga silang idea kung kailan magkakaroon ng declaration ang mga bagong pararangalang national artist.
Jasmine eere na uli, seguridad sa taping mas hinigpitan
Tuloy na pala uli ang airing ng love mystery drama ng Kapatid network na Jasmine ngayong Linggo, 9:15 p.m. na bida si Jasmine Curtis. Ito ay matapos pansamantalang itinigil ang taping ng series sa utos ng direktor nitong si Direk Mark Meily. Nagdesisyon si Direk Mark na itigil ang taping sa pagkakadiskubre na may mga miyembro ng production ang nakatanggap ng mala-stalker na mga text at online messages habang nagti-taping ang serye. Dahil dito, ikinansela niya ang taping para “pangalagaan ang kaligtasan ng mga cast at production team.â€
“At first, we thought it was one of us, playing a prank on the set. But then we found out that even the fans of Jasmine were also getting the same texts and tweets from either the same number. So we don’t know who this ‘stalker’ was. We stopped taping muna lang as a precaution,†ayon kay Direk Mark.
Nagdesisyon ang Kapatid network na ipagpatuloy na ang taping ng series matapos imbestigahan ang insidente. Sinigurado naman din ng TV5 na magdadagdag ng security para narin sa kaligtasan ng kanilang cast at crew.
“Upon our investigation, the texts and tweets were considered harmless. Jasmine’s airing and taping will proceed as scheduled,†dagdag ni Direk Mark.
Sa ngayon, hindi pa nakikilala ang katauhan ng sinasabing ‘stalker.’
Sa serye, gumaganap si Jasmine Curtis Smith bilang isang fictional version ng kanyang sarili, isang rising actress na binubulabog din ng isang stalker.
Samantala, siguradong ikasasaya ng mga netizens ang pagbabalik ng Jasmine ngayong Linggo. Noong pilot episode ng series, tinutukan ng mga netizens ang web streaming ng nasabing programa kaya naman ito sa ngayon ang most watched TV5 series online.
Nag-trending din ang hashtag na #JASMINETheSeriesPilotEp worldwide sa Twitter at sa ngayon, masasabing ang JASMINE ay may fastest growing online community sa TV5.
Tutukan ang pagbabalik ng Jasmine ngayong Linggo, 9:15 p.m. sa TV5.
Maari ring sundan ang JasMINE sa mga social networking sites nito: FaceÂbook.com/JasminetheSeries, Instagram.com/jasÂminetheseries, at Twitter.com/jasmineTVseÂries.
- Latest