^

PSN Showbiz

Kris nasaktan ang ego, gustong bilhin ang QC?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Baka naman hindi puso ni Kris Aquino ang na-broken? Baka ego niya?

‘Yan ang analysis ng isang taga-showbiz na naloloka sa ginawang deklarasyon ng presidential sister last Tuesday na na-heart broken siya kaya hindi nakapag-trabaho. Pero last Wednesday ay nag-post na naman siya sa Instagram at sinabing ok na naman siya : “Yes, He Broke My Heart, but 975,000 of you IG followers didn’t... So I’m back & here to stay... I went down to get a cup of chamomile tea & saw all these flowers, balloons & in my kitchen so many fruits & cookies & cakes etc...

“God gently reminded me to stop giving importance to someone who hurt me & START CELEBRATING THE PEOPLE WHO LOVE ME! So I changed my username to @lovelovelovekrisaquino. (love, love, love) Good Night. Love you all. THANK YOU!”  sabi niya sa kanyang post sa IG na pinaglalabasan ni Kris ng kanyang damdamin.

Siyempre nga naman mahirap tanggapin na inayawan siya ni Mayor Herbert Bautista in favor of his kids.

Kaya nga sa Aquino & Abunda Tonight nang magtanungan sila ni Tito Boy Abunda last Wednesday episode na kung sobrang mayaman ka ano ang bibilhin mo, ang sagot ni Kris, gusto niyang bumili ng city. So Quezon City ba ito?

Si Tito Boy kasi ABS-CBN ang isa sa gustong bilhin in case na may chance siya at sobrang dami na ang datung niya.

Si Pacman ang subject ng usapan nila sa programa na sa sobrang yaman ay nakukuha raw ang gusto, tulad ng pagco-coach ng pambansang kamao sa KIA Team ng PBA.

PBB rerebyuhin na ng MTRCB

Pinagsa-submit ng remedial measures ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ABS-CBN matapos ang isinagawang mandatory conference na dinaluhan ng ABS-CBN executives.

Ayon sa order ng MTRCB after ng kanilang pag-aaral ng cause and nature ng probable violations at ang sinasabing kawalan ng self-regulation ng Kapamilya network last June 9, particular na sa inputs at perspectives sa gender-sensitivity and the non-derogatory portrayal of women in television sa programa nilang Pinoy Big Brother All In dahil sa nude painting challenge kung saan hinamon ni Big Brother ang housemate na mag-pose ng nude na napa-oo naman kahit masama sa loob, ang remedial measures ang hinihiling ng Hearing Committee ng MTRCB.

Inaatasan ngayon ng Hearing Committee ang ABS-CBN na mag-public apology; magtalaga ng gender focal person (for all its televisions programs until such time as another gender focal person is so appointed by it); three-month period of close collaboration (counting from today- June 11 - or until the program’s final episode); per-episode post review (until its final episode); institutionalize ang recommendations ng resource persons na dumalo sa mandatory conference;   submit to the board, not later than 16 June 2014, a sworn undertaking of all respondent network’s committed self-regulatory measures and submit its creative staff within the above cited period of close collaboration sa gender-sensitivity seminar to be organized by MTRCB in coordination with Philippine Commission on Women (PCW) na kasama ang ilang miyembro sa isinagawang mandatory conference.

Kung bakit naman kasi naisip ni big Brother na magkaroon ng nude painting challenge eh alam naman niyang mahigpit ang MTRCB sa mga ganyang isyu lalo na nga’t iniyakan pa ng housemate na si Jayme Jalandoni. Hindi kaya in love lang si Kuya kay Jayme Jalandoni?                         

                                                                             

ABUNDA TONIGHT

AMP

BIG BROTHER

GOOD NIGHT

HE BROKE MY HEART

HEARING COMMITTEE

JAYME JALANDONI

SO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with