MANILA, Philippines - Tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Father’s Day.
Hayaan nating ipakilala sa pamamagitan ng programang Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ang mga anak na ipinakita ang pagmamahal at paghanga sa kanilang ama.
Isa na rito si JC Regino na anak ng Jukebox Idol na si April Boy Regino. Lingid sa sikat na ama, pangarap ni JC na maging popular singer at performer sa stage. Ginulat na lang ng anak ang ama nang magsimula siyang mag-compose, mag-recording at umawit sa telebisyon at entablado.
May isang misis naman na matagal nangarap mabigyan ng supling ang asawa. Sa pag-inom ng food supplement na Acaiberry, tila himalang nagbuntis si misis at ang sorpresang regalo niya sa mister isang Father’s Day ay ang sanggol na dinadala sa sinapupunan.
Sa pagsulat sa GRR TNT ay hiniling ng isang anak na bigyan ng isang make over ang kanyang ama para sa bonding ng pamilya sa Araw ni Tatay. Siyempre, pinagbigyan siya ni Mader Ricky.
Ano nga ba ang mga regalong dapat ibigay kay Papa? ‘Di niya kailangan ang mga materyal na regalo. Sapat na sa kanya ang inyong pagmamahal, rÂespeto at hangaring matupad ang kanyang pangarap bilang isang ama para sa kanyang anak.
Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Sabado mula alas nuwebe hanggang alas diyes ng umaga.