^

PSN Showbiz

Para kay tatay, handog ng GRR TNT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ay ipinagdiriwang ang Father’s Day. 

Hayaan nating ipakilala sa pamamagitan ng programang Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) ang mga anak na ipinakita ang pagmamahal at paghanga sa kanilang ama.

Isa na rito si JC Regino na anak ng Jukebox Idol na si April Boy Regino.  Lingid sa sikat na ama, pangarap ni JC na maging popular singer at performer sa stage. Ginulat na lang ng anak ang ama nang magsimula siyang mag-compose, mag-recording at umawit sa telebisyon at entablado.

May isang misis naman na matagal nangarap mabigyan ng supling ang asawa.  Sa pag-inom ng food supplement na Acaiberry, tila himalang nagbuntis si misis at ang sorpresang regalo niya sa mister isang Father’s Day ay ang sanggol na dinadala sa sinapupunan.

Sa pagsulat sa GRR TNT ay hiniling ng isang anak na bigyan ng isang make over ang kanyang ama para sa bonding ng pamilya sa Araw ni Tatay. Siyempre, pinagbigyan siya ni Mader Ricky.

Ano nga ba ang mga regalong dapat ibigay kay Papa? â€˜Di niya kailangan ang mga materyal na regalo. Sapat na sa kanya ang inyong pagmamahal, r­espeto at hangaring matupad ang kanyang pangarap bilang isang ama para sa kanyang anak.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Sabado mula alas nuwebe hanggang alas diyes ng umaga.

ACAIBERRY

ANO

APRIL BOY REGINO

ARAW

GANDANG RICKY REYES TODO

GINULAT

JUKEBOX IDOL

MADER RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with