Next question please ang sagot ng isang direktor nang tanungin siya tungkol sa aktres na nag-guest sa show na pinamamahalaan niya.
Minabuti ng direktor na huwag magsalita para hindi na lumaki ang isyu na ibinigay ng aktres sa kanya at sa production staff.
Ang kuwento, 2:00 p.m. ang calltime ng aktres para sa kanyang TV guesting pero hindi siya umapir sa oras na itinakda. Dumating ang aktres sa studio pero 12 midnight na. Matagal na pinaghintay ng aktres ang pobreng production staff na walang nagawa kundi ang magpasensya dahil feeling superstar ang kanilang bisita.
Pupusta ako na hindi na mauulit ang guesting ng aktres sa TV show dahil sa unprofessionalism na ipiÂnakita niya. Hindi pinangarap ng production staff na kumuha ng bato na ipupukpok sa kanilang mga ulo.
Mark mas maganda ang boses ngayon
Memoryado ko na ang mga kanta ni Mark Bautista sa CD album niya dahil ito ang paulit-ulit na pinapatugtog ko sa loob ng sasakyan ko.
Ang ganda-ganda ng boses ni Mark at para sa akin, perfect ang rendition niya sa mga old song na Love Story, What A Wonderful World, at Love Without Time na mapapakinggan sa kanyang CD album na The Sound of Love ang title.
Favorite singer ko na si Mark kaya susuportahan ko ang kanyang concert, ang The Best of Me na itatanghal sa Crowne Plaza sa June 21.
Nag-promise si Mark na ipapakita niya sa concert ang kanyang best performance para mag-enjoy at maging maligaya ang mga manonood ng The Best of Me.
Special guest ni Mark sa kanyang post-Father’s Day concert sina Kyla at Rochelle Pangilinan.
Sen. Bong wala nang pag-asang sumali sa filmfest
Hindi na ako umaasa na magkakaroon ng filmfest entry ngayong 2014 si Senator Bong Revilla, Jr. So impossible na makagawa pa ng pelikula si Bong dahil maingay na maingay ang balita na makukulong sila ni Senator Jinggoy Estrada bago matapos ang June.
Milagro na lang kapag hindi natuloy ang pagdakip sa kanya at kay Papa Jinggoy, lalo na ngayon na paulit-ulit na ipinakikita sa mga news program ang video ng magiging kulungan nila sa Camp Crame.
Tates balik-sirkulasyon na uli
Darling of the press si Tates Gana, ang former partner ni Quezon City mayor Herbert Bautista, dahil sa rami ng mga tinutulungan at natulungan niya.
Natuwa ang mga kaibigan ni Mama Tates sa entertainment press nang bumalik siya sa Pilipinas.
Nawala sa sirkulasyon at nanahimik si Mama Tates nang aminin ni Kris Aquino sa national television ang special friendship nila ni Herbert.
Pati ang mga tao na hindi nakakakilala kay Tates, humanga at tumaas ang respeto sa kanya dahil sa ginawa niya. Imbes na magpainterbyu, pinili niya na magdasal, lumayo, at mag-isip kaya okey na okey na siya ngayon.
Nakabibilib naman talaga ang mga babae na katulad ni Mama Tates na may dignidad at pagpapahalaga sa sarili at kanyang mga anak. Siya ang dapat gayahin ng mga babae na ipinangangalandakan pa sa publiko ang paghahabol sa mga lalake na may pananagutan na sa buhay. Hindi naman mahirap na magpaka-Tates ‘ha?