MANILA, Philippines – Dalawang babaeng senador ang umalma sa episode ng “Pinoy Big Brother†ng ABS-CBN kung saan hinamon ang dalawang housemates na maghubad para sa isang painting.
Hindi ikinatuwa nina Senador Nancy Binay at Pia Cayetano ang hamon ni “Kuya†kina Jayme Jalandoni at Michelle Gumabao noong Hunyo 4 at 5 na episode.
"This is an assault to the dignity of the women housemates. Asking a woman to consider posing nude in such a situation - where her acceptance to perform the challenge is made in exchange for points or benefits for herself or her housemates - is tantamount to coercion," wika ni Cayetano na chairperson ng Senate committee on women, family relations and gender relations.
Kaugnay na balita: ABS-CBN pinagpapaliwanag ng MTRCB sa PBB nude challenge
"In their desire to challenge and teach the contestants life lessons, they should be conscious of the rights of the housemates and know the limits when assigning tasks that could end up degrading women and trampling on their dignity. In this case, they crossed the line." dagdag niya.
Aniya dapat isaalang-alan ng PBB ang Magna Carte of Women na naglalayong protektahan ang imahe ng kababaihan sa media.
"It (PBB) should give a public explanation and apologize for that unwarranted challenge," panawagan ni Cayetano.
Kaugnay na balita: Nude painting sa PBB pinaiimbestigahan sa MTRCB
Samantala, ganito rin ang sentimyento ni Binay na sinabing hindi ito ang unang pagkakataon na nahaluan ng kontrobersya ang naturang reality show.
"I believe this is the second time PBB went overboard. How far can reality TV go for high ratings? Will we allow the network to exploit our women and children for ratings sake?" sabi ni Binay.
Dagdag niya na hindi isang pagsubok sa character ng isang tao ang paghamon na maghubad para sa isang painting.
"(It is) irresponsible and insensitive act bordering on blackmail."
Ipinatawag kahapon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng ABS-CBN upang makapagpaliwanag.