Mark in love sa babaeng nakita lang ini-interview sa INC Channel

PIK: Itinatanggi ni Jolo Revilla ang intrigang nagli-live in na sila ni Jodi Sta. Maria.

Pakiusap ng actor/politician, sana respetuhin lang daw muna ang relasyon nila ni Jodi. Masaya raw sila sa kanilang relasyon, at higit sa lahat all-out ang suporta ng aktres sa pinagdadaanan ngayon ng pamilya.

Kaya nga malaki ang pasasalamat nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado kay Jodi dahil talagang nandiyan ito para makisama sa kanila.

Kuwento nga ni Lani, minsan daw ay ipinagluluto raw sila ni Jodi kapag may fellowship o prayer meeting sila.

Bukod pa diyan, may prayer warrior pa raw si Jodi para sa kanila.

PAK: Nakakaaliw ang kuwento ni Mark Bautista sa press conference ng nalalapit niyang concert na The Best of Me na meron pala siyang type na babae na parang balak niyang ligawan.

Nakita lang daw niya ito sa isang programa sa istasyon ng Iglesia ni Cristo at iba raw ang feeling niya na parang nagkainteres siya.

Ang ginawa raw niya, nag-follow daw siya sa Instagram account nitong girl at pagkalipas ng ilang linggo na-follow din siya.

Naglakas loob na siyang mag-communicate sa naturang babae para imbitahing isama ito sa shoot ng kanyang MTV.

Inimbita na rin niyang manood sa concert niya na gaganapin sa Crowne Plaza Manila Galleria Grand Ballroom sa June 21.

Aminado ang ballader na nagka-crush siya sa naturang babae, pero hindi raw siya nagmamadaling ligawan.

Medyo weird lang daw sa kanya. bakit biglang nagbukas daw siya ng TV at tamang-tama nasa istasyon ito ng INC at nakita ang babaeng iyun na ini-interview at parang iba raw agad ang naramdaman niya.

BOOM: Nakatakdang humarap ngayong araw sa korte si Claudine Barretto kaugnay sa kasong Robbery na isinampa ng kanyang dalawang PA laban sa kanya.

Nag-post na pala siya ng bail nung nakaraang Biyernes at ngayong araw ay ia-arraign na siya.           

Kailangang siputin ito ni Claudine para hindi mabale-wala ang ibinigay niyang piyansa kapag ‘di siya dumating.

Show comments