Bianca Gonzalez expert na sa pakikisawsaw; Cedric Lee marami raw utang kay Chavit Singson

SEEN: Ang tweet ni Bianca Gonzalez na hindi siya maka-get over sa privilege speech ni Senator Bong Revilla, Jr.  Alam na ngayon ni Bianca ang pakiramdam ng mga tao na nakapanood at nabaduyan sa  worst airport proposal sa kanya ng  boyfriend niya na si JC Intal.

SCENE: Matagal nang napapansin ang  holier-than-thou attitude ni Bianca Gonzalez at ang hilig niya sa pagsawsaw sa mga isyu na hindi naman kailangan ang kanyang opinyon. Qualified si Bianca na maging sawsawera sa Face the People, ang talakserye ng TV5.

SEEN: Magsisimula sa June 30 ang My Destiny, ang primetime drama series ng GMA 7 na tinatampukan nina Lorna Tolentino, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Carla Abellana, at Rhian Ramos.

SEEN: Dapat paimbestigahan ng kampo ni Vhong Navarro ang balita na malaya na nakakagamit ng cell phone si Cedric Lee sa loob ng selda nito sa NBI detention facility.

SCENE: Ang reklamo ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson na ginagamit ni Cedric Lee ang kanyang pangalan at maraming utang sa kanya na hindi binabayaran ang businessman na utak ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

SCENE: Ang wedding rehearsal kahapon nina Boots Anson Roa at Atty. King Rodrigo sa Aristocrat Restaurant, Manila.

Ang management ng Aristocrat ang sponsor ng wedding rehearsal dahil ito ang wedding gift nila kina Boots at Atty. King na ikakasal sa Archbishop Palace sa June 14.

Show comments