Kylie ituturo kung paanong protektahan ang sarili

MANILA, Philippines - Live na live na mamimigay ng happiness ang actress/singer na si Kylie Padilla at ituturo niya kina Donita Rose, Gladys Reyes at Alessandra de Rossi ang kanyang natutunang self defense laban sa mga masasamang loob upang maprotektahan ang kanyang pinakaiingatang kayamanan, ang kagandahan.

Abangan din ang pampapoging recipe na hatid ni Chef Boy ngayong Miyerkules sa programang nakaka-good vibes, ang Basta Everyday Happy na napapanood araw-araw bago mag-The Ryzza Mae Show.

Sa Huwebes naman at may birthday celebration ang dance diva na si Geleen Eugenio. Nag-effort ang barkada para mabigyan ng isang naiiba at hindi malilimutang selebrasyon ang mahusay na dancer sa kanyang ika-60th birthday.

Darating ang anak ni Geleen na si Mayton para magluto kasama si Chef Boy.

At sa Biyernes, maghahatid ng tatay tips si Benjie Paras bilang selebras­yon sa araw ng mga haligi ng tahanan.

Araw-araw sinisiguro rin ng apat na iba-ibang bagay na kapaki-pakina­bang at ikasisiya ng ma­no­nood ang kanilang pinag-uusapan.

 

Show comments