Baby Zion nina Richard at Sarah may dalang suwerte

​Hindi naging madali sa magkasintahang Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang pi­nag­­daanan noong isang taon (2013). Maraming pagsubok ang sinuong ng dalawa at kasama na rito ang legal battle ni Sarah with GMA Films’ president Annette Gozon-Abrogar, ang pag-i-expire ng kontrata ni Richard with his (former) home studio, ang GMA at higit sa lahat, ang pagkakaroon nila ng anak (Baby Zion) na kailangan muna nilang iwan at itago sa Geneva, Switzerland kung saan naka-base ang pamilya ni Sarah.

​Kung matindi ang trials na kinaharap nina Ri­chard at Sarah nung isang taon, ay siya namang gaan sa kanila ng taong 2014.  

Early this year ay naayos na ang gusot sa pagitan nina Atty. Annette at mu­ling nakabalik si Sarah sa GMA. Si Richard naman ay may bagong movie sa GMA Films, ang Overtime, at ang pagkakaroon ng 6-part family reality show ng Gutierrez family na It Takes Gutz to be a Gutierrez on E! Channel.

​Kapiling na rin nila si Baby Zion ngayon sa Pilipinas na dinala mismo ng ina ni Sarah na si Estherat.

​Napaka-cute ni Baby Zion.

​ Ngayon namin higit na nauunawaan kung bakit ganoong na lamang ka-protective si Richard sa ka­sin­tahang si Sarah dahil sa kanilang special bond.

​Ngayong alam na ng publiko ang pagkakaroon ng anak nina Richard at Sarah, ang isa namang madalas na itanong sa kanila ay kung kelan sila magpapakasal.

​Marami rin ang nagtatanong kung si Baby Zion na ba ang magdadala ng suwerte sa kanyang equally popular parents.

 

Mga artista makiki-make-over sa Araw ng Kalayaan

​ Tiyak na dadagsain ng fans ang Activity Center ng Trinoma ngayong June 12, Huwebes sa ganap na ika-4 ng hapon dahil sa whole day celebration ng HBC Make-Over Day na dadaluhan ng mga kila­lang celebrities tulad nina Gerald Anderson, Ahron Villaflor, Joseph Marco, Shamcey Supsup, Phoemela Barranda, at iba pa.

​

Jennica nanahimik

​ Tahimik ang karera ngayon ng young star na si Jennica Garcia matapos hindi i-renew ng GMA ang kanyang kontrata. Ang dalaga ni Jean Garcia ay free­lancer na ngayon at puwede nang magtrabaho kahit saang TV network.

​ Siguro nag-a-unload lamang ang GMA ng ka­ni­lang mga contract talents na karamihan ay guaranteed ang mga kontrata. Since ma­ra­ming in-house ta­lents ang GMA Artists Center, dito sila ngayon nagpu-focus.

Show comments