Kapamilya naghahakot ng award

MANILA, Philippines - Ang ABS-CBN ang tanging kumpanya mula sa Pili­pinas na nakuha ang Grand Stevie Award, ang pina­ka­mataas na parangal sa Asia-Pacific Stevie Awards na igi­nawad sa gala awards banquet nito kama­kailan sa Seoul, South Korea. Ang iba pang Grand Stevie Award winners ay nagmula sa Australia, Indonesia, South Korea, at Singapore.

Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa loob at labas man ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pa­ngangaila­ngan ng mga biktima ng bag­yong Yolanda.

Bukod sa mga pagbi­bigay-pugay para sa paghahatid ng serbisyo publiko ng ABS-CBN, ki­nilala rin ito bilang ang pi­nakapinagkakatiwalaang Philippine TV network sa bansa ng mga mamimili nang magwagi ito ng Gold award sa taunang Reader’s Digest Trusted Brand Awards.

 

Show comments