Kawawang Piolo Pascual! Wala yata itong lalaki na makakaibigan na hindi bibigyan ng kulay. Poor guy, maging ang magiging friend niya dahil magkakaroon na agad ito ng masamang tatak sa tao.
Bakit kayo ganyan ha? Ibig sabihin ba, sa babae na lang puwedeng maging close si PJ para hindi n’yo malisyosohin? Tigilan nga kaya n’yo. Give Piolo a chance, tuloy nagbabalak na siyang mag-retire. And he is such a good person, a compassionate arÂtist.
Coco ayaw ipangalandakan ang yaman
Kung si Daniel Padilla ay ipinagmamalaki ang kanyang sinasabing P40M house, gusto lang manahimik ni Coco Martin sa mga materyal na bagay na naipundar na niya. Tama na ‘yung naaabot na niya ang dati ay pinangarap lang niya. Pagyayamanin na lang nilang magpapamilya ‘yun. Ayaw niyang magmaramot, pero hiling niyang ibalato na lang sa kanya ‘yun.
Enzo hindi nahirapang makalimot
Mabilis naman palang na-forget ni Enzo Pineda si Louise delos Reyes. Katunayan, may binabanggit na palagi itong bagong girl sa kanyang buhay.
Buti naman. Pinakamabilis daw mapakalimot sa isang may sugat sa puso ay ‘yung makahanap ng bagong mamahalin.
Eh si Louise kaya, natulungan na ni Aljur AbreÂnica na makalimot?
Dapat lang dahil kung hindi, masasayang ang naging paghihiwalay naman nila ni Kylie Padilla.