Matapos mapabalitang magkasintahan na sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad ay pumutok naman ang isyung pinagsabay daw ng aktres sina Paul Jake at ang dating kasintahang si Guji Lorenzana. Iginiit ni Kaye na walang katotohanan ang balitang ito.
“Hindi po talaga. Actually it wasn’t planned at all. So ‘yung iniisip ng iba na nag-overlap, hindi talaga. No, wala po,†bungad ni Kaye. Noong una ay nakaramdam pa raw ng takot ang aktres na maging kasintahan niya ang binata lalo pa’t magkaibigan talaga sila.
“Actually, natakot talaga ako, ang hirap mag-take ng risk kasi magkaibigan. He’s one of my closest friends. So kung hindi mag-work, mawawalan na ako ng boyfriend, mawawalan pa ako ng kaibigan,†paliwanag ng dalaga. Aminado naman si Paul Jake na pareho rin ang naramdaman niya noong una.
“I found out na parang she could be my girlfriend naman,†nakangiting pahayag ng aktor. May mga bagay na natutunan na rin daw si Kaye pagdating sa pakikipagrelasyon.
“Natutunan ko siguro hindi talagang maghigpit. ‘Yung trust talaga, natutunan kong maging open na lang sa isa’t isa,†giit ng dalaga. Matatandaang nakarelasyon ni Kaye si Chito Miranda sa loob ng pitong taon at si Guji Lorenzana naman ay naging kasintahan ng dalaga sa loob ng tatlong taon. Umaasa si Kaye na si Paul Jake na ang huli at makakasama niya sa habang buhay.
“Pangmatagalan ito, ita-try ko ‘yung best ko na mag-work din ‘yung relationship na ‘to para hindi na rin naman masayang ‘yung taon ko,†pagtatapat ni Kaye.
“We are taking it to the next level that’s why from friends, we became lovers. I don’t know what kind of relationship people are in if they don’t see themselves getting married,†pagsang-ayon naman ni Paul Jake. Si Melissa Ricks ang huling nakarelasyon ng aktor bago naging kasintahan ni Kaye.
Jason pinangalanan ang babaeng kasama sa Pangasinan
Sa Kris TV huling napanood ang mag-asawang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco kamakailan nang ipakilala nila ang anak na si Mela sa publiko. Pagkatapos noon ay isang bagong babae na ang naugnay kay Jason.
May nakakita raw na isang babae ang kasama ni Jason sa Pangasinan. Agad namang nilinaw ng aktor ang nasabing isyu.
“Wala akong babae sa Pangasinan. May pinsan ako na babae, inihatid ko lang do’n. Dianne Moraleta ang pangalan niya, galing kasi ng Kuwait. So nag-bonding kami kasama ang boyfriend niya. Sweet kasi kami, baka akala ‘illegal wife’ ko ‘yun. Kilala ‘yun ni Melai, ang aking legal wife,†nakangiting paliwanag ni Jason.
“Super close silang magpinsan kaya baka marami na-misunderstood. Every now and then naman nagte-text ang asawa ko kaya panatag na legal wife ako. Char lang! Walang sa kanila, akin lang ang asawa ko! Char-char lang,†natatawang sagot naman ni Melai.
Nakatakda nang lumuwas patungong Maynila ngayong linggo ang mag-asawa kasama ang kanilang supling mula sa General Santos city.
Reports from JAMES C. CANTOS