^

PSN Showbiz

Echo at Kim gaya-gaya kina Maricar at Richard

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ibang-iba na talaga ang takbo ng buhay ngayon. Kung dati ay pinaka-dahilan ng dalawang bagong kasal ang pagkakaroon ng anak, parang hindi na ngayon. Kasusulat ko lang kamakailan lang na hindi pa handang magka-baby nina Maricar Reyes at Richard Poon, heto ang bagong kasal na  sina Je­richo Rosales at Kim Jones na eenjoyin din daw muna ang isa’t isa bago nila balakin na dagdagan ang kanilang pamil­ya.

Nasa kanilang delayed ho­neymoon ang dalawa sa bansang Hapon. Nasa plano rin nila ang pagpunta sa  Europa at Amerika. Na­huli ang alis ng dalawa dahil kinailangan pang ta­pusin ng aktor ang kanyang com­mitment  sa The Legal Wife na magtatapos na sa linggong ito. Nang matanong kung sa honey­moon na nila sisimulan  ang pagbuo ng ka­nilang pa­milya, humindi ang da­la­wa at nagsabing ienjoyin muna nila ang isa’t isa.

Kasalang Richard at Sarah bonggang pang-ending

Mukhang mas malaking panahon ang gugugulin ng reality show ng pamilya Gutierrez sa pinaka-batang myem­bro ng pamilya na si Baby Zion Gutier­rez, anak nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati na kailan lamang inilabas at sa programa pa ng mga Gutierrez naganap.

May katwiran nga namang pahabain nila ang pagtatago sa bata dahil sa nasabing programa pala ito ilalantad. Kung pumatok man ang pilot show nila dahilan sa ginawang pag-amin nina Richard at Sa­rah sa kanilang anak, mas marami ang mag-aabang na masilayan ang bata sa ikalawang episode ng kanilang reality show. At habang nasa bata pa rin ang atensyon ng lahat ituluy-tuloy na nila, isama na nila ang pagbibinyag dito at ang proseso sa pamimili ng mga magni-ninong at ninang nito. That will probably cover a few episodes of the show. At magandang finale kung magagawa nilang ipakasal sina Richard at Sarah sa show.

Salamat…

Salamat nga pala sa Jed’s Island Resort sa ginawang pagtanggap sa Philippine Movie Press Club na dun ginanap ang kanilang taunang team-building/outing nung May 31 hanggang June 1. Sa rami nang gustong pu­masok sa nasabing re­sort hindi pinanghina­ya­ngan ng mga nasa likod ng pamo­song lugar sa Bu­lacan na kinakata­wan ni Ms. Beng ang pag­papagamit sa PMPC ng ka­nilang may kamahalang Aguila Pri­vate Pool. 

Bukod sa walang humpay na kasiyahan, ang highlight ng team-building ay ang pagbibigay ng award sa mga nagwagi sa PMPC Writing Contest. Ang pagbibigay karangalan ay inialay sa yumaong chairman na si Ernie Pecho. At narito ang mga nagwagi:

Sa Column Writing (Filipino), wagi sina Oghie Ignacio (1st prize), Mercy Le­jar­de (2nd), Beth Gelena (3rd). Sa Feature Writing (Filipino), ang mga nanalo ay sina William Reyes (1st), Glen Sibonga (2nd), George Vail Kabristante (3rd). 

Sa Column Writing (English), ang mga nagsipagwagi ay sina George Vail Ka­bristante (1st), William Reyes (2nd), Joey Sarmiento (3rd). Sa Feature Writing (English), ang nanalo ay sina Joey Sarmiento (1st), William Reyes (2nd), Eric Borromeo (3rd), at sa On- the-Spot Writing, nakuha ang premyo nina  Joey Sarmiento (1st), Veronica Samio (2nd), Leony Garcia (3rd).

 

AGUILA PRI

BABY ZION GUTIER

JOEY SARMIENTO

NILA

SA COLUMN WRITING

SA FEATURE WRITING

SHY

WILLIAM REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with