Wala sa final interview ng malapit nang magtapos na afternoon soap ang lead actor, samantalang present ang four major cast. Nakalimutan naming itanong kung bakit wala ang lead actor para sana malaman kung sinadya nitong hindi dumating o baka naman, hindi siya naimbita.
Nabalitaan kasi naming tila nagtampo ang aktor dahil nabago ang takbo ng story ng soap at sa halip na sa karakter niya mapunta ang leading lady, sa kasama niyang aktor mag-i-end ang lead actress.
Pati nga ang second lead actor nagulat sa nangyari, pero masaya ito sa kinalabasan ng kanyang karakter. Mas ginaÂnaÂhan daw siyang mag-taping sa last episodes na natira at kung saan, siya na ang lumabas na bida.
May maganda naman sigurong paliwanag ang scriptwriÂter kung bakit naiba ang ending ng story na hindi ang lead actor at lead actress ang magkakatuluyan. Saka, binigyan ng ibang kapareha ang nagtampong lead actor na lalabas ‘pag malapit na ang ending na ikagugulat ng sumubaybay sa soap.
Ang alam namin, very open ang aktor sa pagpapahayag ng nararamdaman.
Mrs. Real mabilisan ang istorya
Isa sa napapansin ng viewers ng Ang Dalawang Mrs. Real ang mabilis na pacing ng story, hindi babad ang storytelling at marami ang nangyayari sa isang episode. Sa bilis nga ng story, first week pa lang, nagka-inlaban na ang mga karakter nina Dingdong Dantes at Lovi Poe (Anthony Real and Shiela Salazar respectively).
Tama ang sinabi ni Dingdong sa presscon na sa pilot week pa lang, inilatag na ang story at makikilala na ang buong cast.
Samantala, nabanggit ni Dingdong na kasama rin si Lovi sa Kubot: The Aswang Chronicles pati ang naging anak nila sa Tiktik, pero si Isabelle Daza raw ang leading lady niya. Kung paano nangyari ito, watch na lang natin ang movie na baka isali ni Dingdong at co-producers sa 2014 Metro Manila Film Festival.
Pasalamat pala ang production ng Ang Dalawang Mrs. Real na four days lang absent sa taping ang aktor para dumalo sa Philippine Fest Piyestahan Pinoy sa Illinois. Sa June 21 ang event ng GMA Pinoy TV at GMA Life TV at sa June 24, nakabalik na ang aktor.
Hindi sila mag-aabot ni Marian Rivera na pa-Amerika rin sa June 11 at two weeks yatang mawawala dahil may series of shows with Ogie Alcasid, Allan K, Alden Richards, and Regine Velasquez.
Jackie, Gwen, at Max kanya-kanyang larga sa abroad
Kanya-kanyang alis ang female cast ng Innamorata ngayong tapos na ang kanilang taping para magtrabaho at magbakasyon.
Si Max Collins, lilipad sa July 1 for Qatar para sa shooting ng indie film na Remembering Ada. Kailangan niyang mag-aral mag-play ng violin for her role. At mahirap daw pala maging violinist.
Si Jackie Rice, magbabakasyon sa Japan kasama ang BF at magbabakasyon din sa Europe na siya lang mag-isa. Pupunta siya sa London at manonood ng Miss Saigon at tutuloy sa France sa imbitasyon ng isang kaibigan.
Si Gwen Zamora, aalis bukas for Indonesia para sa shooting ng pelikulang Valentine. Sa first week na ng July ang balik niya at magti-taÂping na ng Bubble Gang at aalis din para sa European vacation nila ng BF niyang si Raymund Romualdez.
Nag-usap sina Gwen at Jackie na magkita. Deretso sila sa Belgium at pupunta sa Amsterdam to visit her bestfriend at pati na siguro sa location ng The Fault in our Stars na kanyang pinanood. Next stop nila sa London to watch Miss Saigon and Matilda.
Masaya na malungkot ang tatlo sa pagtatapos ng Innamorata at wish nilang muli silang magkasama-sama in the future sa soap na pinag-enjoyan nilang gawin.