Jackie gumigimik na buntis?!

PIK: Kitang-kita ang sobrang kasiyahan nina Joshua Zamora at Jopay Paguia nang magpakasal sila nung nakaraang Biyernes, June 6 na ginanap sa Fernwood Gardens, Quezon City.

Bago ginanap ang Christian wedding na iyun, nagkaroon pa sila ng civil wedding ilang linggo na ang nakaraan.

Kapansin-pansin na wala roon ang manager ng Sex Bomb dancers na si Joy Cancio.

Hindi na talaga siya nagpapakita sa publiko pagkatapos pumutok ang balitang nagtangka itong magpakamatay ilang buwan nang nakaraan.

PAK: Sobrang linis pala nitong male singer na pinagdududahan din ang kasarian.

Hindi napigilang magtaray ni male singer nang minsang nakasama ito sa isang out of town show.

Hindi raw maipinta ang mukha ni male singer nang pinatira sila sa isang pipitsuging hotel na parang motel daw ang dating.

Nagpipigil pa nga itong magtalak, pero parang gusto na raw talaga itong mag-arya sa pagtatalak pero baka lumabas ang totoong siya ‘di ba?

Ang ginawa na lang daw ni male singer, nagpabili na lang daw siya ng Baygon at ini-spray ang buong kuwarto pati ang hallway na dadaanan dahil ayaw na ayaw daw niyang gapangan siya ng mga ipis.

Feeling daw niya maipis ang naturang hotel kaya inisprehan na niya ito na ito ng isang latang Baygon.

BOOM: Pagkatapos mag-walk-out ang non-showbiz boyfriend ni Jackie Rice sa set ng pelikulang Kamkam dahil sa mga daring scenes nito kay Kirbie Zamora, ang latest naman ngayon ay buntis daw siya.

Ang duda namin baka gimmick lang ito sa pelikula niyang Kamkam, dahil first time niyang magpaka-daring dito. Pero marami na ang nagtanong sa amin kung totoong buntis nga ba ito.

Lalo siya tuloy napagdudahan dahil nakatakda pala itong umalis pa-London pagkatapos ng showing ng Kamkam sa July 9.

 

Show comments