SEEN: Ang mommy ng nag-iisang Kambal Sirena ang introduction sa sarili ng nanay ni Louise delos Reyes sa meeting ng mga manager at handler ng mga artista ng GMA 7.
SCENE: Si Piolo Pascual ang special guest sa Maj, the Legal Performer, ang first major concert ni Maja Salvador sa Music Museum sa July 12.
SEEN: Muling nagkamali ang production staff ng Sunday All Stars sa pagpapasayaw nila kahapon sa dance choreographer na si Geleen Eugenio.
Nagmukhang back up dancers ni Geleen sina Jean Garcia at Carmi Martin sa kanilang dance number.
Throwback na throwback.
SCENE: Anim na linggo na mawawala sa Pilipinas si Hayden Kho, Jr. dahil mag-aaral siya ng Christian Apologetics sa University of Oxford.
Field ng Christian theology ang Christian Apologetics na layunin na ituro ang rational basis ng Christian faith at ipagtanggol ito sa lahat ng mga kontra.
SEEN: Ang exclusive interview kahapon ni Kris Aquino sa mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez sa The Buzz. Kabilang si Kris sa mga ninang sa binyag ni Zion sa June 15.
SCENE: Pareho ng punto ang pagsasalita nina Barbie Forteza at Thea Tolentino dahil magkababayan sila.
Mula sa Calamba si Thea at lumaki naman si Barbie sa Biñan. Sina Barbie at Thea ang mga bida sa The Half Sisters na mapapanood ngayong hapon sa GMA 7.
SEEN: Ang audition kahapon ng mga aspiring contestant para sa second season ng The Voice Philippines na ginanap sa Market! Market! Mall sa Taguig City.
SCENE: Pormal na ipakikilala ngayon ang official candidates ng Miss Manila 2014, ang joint project ng City of Manila at Mare Foundation Inc. ni former First Lady Dra. Luisa Ejercito.
Nagsimula noong 1908 ang Search for Miss Manila na kilala sa dating tawag na Miss Carnival Queen ng Manila Carnival.