Dating holdaper, ibubuking ang diskarte sa pagnanakaw
MANILA, Philippines - Tatalupan ni Julius BaÂbao ang iba’t ibang diskarte ng mga holdaper sa lanÂsaÂngan ngayong Lunes (Hunyo 9) sa Bistado kung saan tampok ang nagbabagong-buhay at dating holdaper na si Alvin na ikukumÂpisal ang kanilang mga istilo sa pambibiktima.
Haharap din sa kameÂra ang ginang na si Emily upang ibahagi ang nakapanlulumong karanasan at saloÂobin niya sa pagkaÂmatay ng asawa na matapos holdapin ay binaril pa sa ulo habang magkausap sila sa cell phone.
Ipapakita rin sa episode ang tatlong video footage kung saan huling-huli sa akto ang mga pag-atake ng mga halang na holdaper.
Samantala, mas sinusubaybayan pa rin ng mas maraming manonood ang Bistado sa kabila ng paglulunsad ng kalabang network ng bago nitong katapat noong Mayo 26. Base sa datos ng Kantar Media, wagi ang Bistado sa nasabing araw kung saan nakapagtala ito ng national TV rating na 11.8%.
- Latest