PIK: Proud si Thea Tolentino na kinuwento sa aming nakapagsimula na siyang mag-ipon para sa pag-aaral ng mga kapatid niya.
Nag-focus na raw kasi ang magulang niya sa negosyo nila sa Calamba, Laguna. Kaya sinagot na raw niya ang pagpapaaral sa mga kapatid niya.
Ngayong meron na siyang bagong drama series na The Half Sisters na magsisiÂmuÂla bukas, gusto raw sana niyang mag-ipon para naman sa bahay sa Maynila para malapit naman daw sa trabaho.
Medyo malayo raw kasi ang magÂbiyahe siya araw-araw sa CaÂlamba.
PAK: Totoo kayang tinilian daw ng magaling na aktres ang co-star niya sa taping at tinanong kung itong si co-star daw ba ang maiÂngay sa set.
Sabi raw ni magaling na aktres, kung maingay si co-star sa taping, dapat na manahimik na raw ito, kasi siya raw dapat ang mag-ingay.
Nakakapagtaka raw itong si magaling na aktres bakit napakaiÂngay na raw nito ngayon at walang tigil daw sa kadadaldal.
Dati naman siyang madaldal, pero extreme na raw ang kadaldalan nito at minsan nawe-weirduhan na ang mga co-star niya sa set.
Kahit nga sa mga guestings nito, natatahimik na ang host na nagi-interview sa kanya dahil walang tigil din siya sa katatalak.
Ano raw ba talaga ang nakakarga sa magaling na aktres na ito?
BOOM: Dahil sa paglabas ni Krista Miller at nagsalita na tungkol sa pagkasangkot nito kay Ricardo Camata, naglitawan tuloy ang ilang kuwento tungkol sa kanya at kay Camata.
Nakausap namin ang tinuturong talent coordinator na nagpakilala raw kay Camata, inamin niyang siya ang nagpakilala dahil dinala niya si Krista sa National Bilibid Prison pero sila na raw ang nag-usap tungkol sa ibinebenta niyang condo unit.
Pero ‘yung pagpunta raw nila sa hospital para dalawin si Camata, pinasama lang daw siya ni Krista dahil kinukulit siyang samahan ito.
Ayaw sana ng talent coordinator na magsalita pa, pero kung talagang kailangan daw, nakahanda siyang magsalita at sabihin ang buong katotohanan.
Mukhang may itinatago pa kasi si Krista sa mga pahayag niya dahil sa ilang inconsistencies sa mga sagot niya.