Zanjoe gustong pantayan ang ipon ni Bea

Tatlong taon na ngayong magkarelasyon sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Para sa aktor ay isa sa mga pangarap niya na natupad ay ang pagkakaroon ng kasintahan na katulad ni Bea.

“Masarap ‘yung pakiramdam na ‘yung fantasy mo, naging reality,” bungad ni Zanjoe. Pinagha­han­daan na raw ng binata ang kinabukasan nila ng aktres. Malaki raw talaga ang lamang ni Bea sa pagiging artista kaya talagang puspusan ngayon ang ginagawang pag-iimpok ni Zanjoe. “Pinagtatra­bahuhan ko ‘yan ngayon, ‘yung kinabukasan na ma­bibigay ko sa pamilyang bubuuin ko. Kaya nga gano’n ‘yung pag-iisip ko. Kasi alam naman natin si Bea, she’s made, successful ‘di ba? Maganda na ‘yung buhay niya, pero siyempre ako, gusto ko kung magkatuluyan kami, ready ako. Capable ako na mag-provide ng kung ano ang buhay niya ngayon,” paliwanag ni Zanjoe.

Samantala, sinasabing isa si Zanjoe sa mga versatile actors sa kanyang henerasyon at kahit baguhan pa lamang sa pag-arte ay marami na siyang nagawa na iba’t ibang karakter.

 â€œSiguro sa experience din at dahil doon sa mga nakakasama ko sa trabaho. Sa mga direktor at saka ‘yung passion. Gusto ko talagang matuto eh. Gusto matuto nang kahit anong role. Kaya hindi ako mapili, mapa-bading, kung ano man ‘yan. Nag-tatay na ako sa 11 year old. Gusto ko marami akong offer,” pagtatapos ng aktor.

Maricar pinahirapan ang direktor sa bagong serye

Bukas ay isang taon nang kasal sina Maricar Reyes at Richard Poon. Hindi pa raw nagbabalak na magkaroon ng anak ang mag-asawa ngayong taon lalo pa’t kasama si Maricar sa teleseryeng Sana Bukas pa ang Kahapon na mapapanood na sa June 16.

“Nag-uusap kami. We want to wait at least a year na kaming dalawa lang. ayokong mag-taping nang buntis, so saka na,” natatawang bungad ni Maricar. Ang gusto raw ng aktres ay tumigil muna sa trabaho kapag magkakaroon na sila ng supling ni Richard.

“Definitely. I want to focus on being a mom. One at a time muna,” giit ni Maricar. Masaya ang aktres sa kanyang bagong proyekto dahil tinutulungan siya ng mga bida nitong sina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

“Masaya kasi I think they’re very professional and talagang both of them are very giving actors. So hindi mahirap mag-react sa mga reactions nila,” pagbabahagi ng aktres. Ibang-iba rin ang kanyang role at tema ng kanilang serye kaya nakararamdam din siya ng kaba ngayon.

“Oo may kaba. Nahirapan in a way sina Direk Jerome (Pobocan) sa akin kasi coming from Honesto, ibang-iba talaga ito. Everyday is always a challenge kasi lalo na kapag magagaling ‘yung mga kaeksena mo. Nakaka-pressure talaga kahit ano pang sabihin ng mga ibang tao na magaling ka. At the end of the day, it’s also up to you eh, if you will deliver,” paliwanag ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS   

                                         

 

Show comments