MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, kakaibang challenge ang haharapin ni Renz Fernandez sa kanyang pinakabagong role—bilang isang lalakeng kumadrona. At para itaas pa ang level ng challenge na kanyang haharapin, ang makakatambal niya ay walang iba kundi ang kaniyang inang si Ms. Lorna Tolentino.
Ang award-winning actress na si Lorna Tolentino at ang kanyang anak na si Renz Fernandez ay gaganap bilang Corazon at Malvin Note, ang mag-inang aborsyonista sa isa sa mga pinaka-kontrobersyal na episode ng Magpakailanman.
Kahirapan ang magtutulak sa kumadronang si Corazon para maging isang aborysonista. At itong kahirapan rin na ito ang dahilan para tumulong si Malvin sa kanyang ina. Ngunit isang nagbabadyang pag-ibig ang magbibigay alinlaÂngan kay Malvin kung ang maling ginagawa ay maitatama pa nang pagbabago.
Habang kinahaharap ni Corazon ang problema ng paghihirap ng kanilang pamilya, tutuklasin naman ni Malvin kung hanggang saan ang kayang tanggapin ng pusong nagmamahal.
May kahahantungan ba ang plano ng mag-inang mabago ang kanilang kapalaran? O habang-buhay na lang ba nilang dadalhin ang katagang ‘Mag-inang Aborsyonista?’
Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Renei Dimla at sa paÂnaÂnaliksik ni Angel Lauño, alamin ang kuwento ng mag-ina sa Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi (June7), pagkatapos ng GMA Blockbuster sa GMA7.