^

PSN Showbiz

Coco may habol na sa box-office king

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi marami ang nakaaalam na ang award-winning actor na si Coco Martin, (Rodel Nacianceno sa tunay na buhay) ay nagtrabaho bilang OFW sa Alberta, Canada. Lumaki ito sa poder ng kanyang lola at nakapagtapos ng HRM (Hotel & Restaurant Management) sa NCBA bago niya pinasok ang pagiging artista. Nagsimula siya sa mga indie movies, ang Masahista in 2005 na siyang nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang Young Critics Circle Best Actor Award in 2006.  Sumunod dito ang Kaleldo in 2006 and Daybreak at Jay in 2008 na siyang nakapagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang Best Supporting Actor Award mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Lalong napansin ang husay ni Coco sa larangan ng pag-arte sa pelikulang Kinatay na dinirek ng internationally award-winning director na si Brillante Mendoza.  Pinag-usapan din nang husto ang pelikulang Serbis.

Taong 2001 naman nang magkaroon ng cameo role si Coco sa pelikulang Luv Text ng Star Cinema pero naging mailap pa rin ang stardom sa aktor.

Taong 2009 nang gawin ni Coco ang TV drama series na Ta­yong Dalawa na siyang nagpapanalo sa kanya ng kanyang Best Drama Actor Award mula sa Star Awards for Television. Sumunod naman dito ang Minsang Lang Kita Iibigin in 2011 at ang hit TV series na Walang Hanggan in 2012.

Taong 2012 nang gawin ni Coco ang kanyang kauna-unahang mainstream movie under Star Cinema, ang Born to Love kung saan niya nakapareha si Angeline Quinto. Sumunod naman dito ang A Moment in Time in 2013 na pinagtambalan nila ni Julia Montes but sadly, hindi gaanong kumita sa takilya ang dalawang pelikula. Pero hindi gumib-ap sa kanya ang kanyang home studio.  Ipinareha si Coco sa Pop Princess at box-office queen na si Sarah Geronimo sa pelikulang Maybe This Time na patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan nationwide. Ito bale ang kauna-unahang mainstream movie ni Coco na tumabo sa takilya and he owes the success hindi lamang sa Star Cinema and Viva Films at sa kanilang director kundi sa team-up nila ni Sarah Geronimo na isang certified box-office queen.

Simula June 6, ang pelikulang Maybe This Time ay ipa­lalabas in 35 theaters sa iba’t ibang lugar ng America, 12 theaters in Canada, at maging sa iba’t ibang bansa tulad ng Australia, New Zealand, Hong Kong, Greece, Ireland, U.K., Norway, France, Qatar, at maging sa United Arab Emirates.

Dahil sa tagumpay ng Maybe This Time, hindi malayong tanghaling bagong Box-Office King si Coco.

William Martinez tuluyan nang naiwan ni Albert

Sa grand presscon ng Sana Bukas Pa ang Kahapon, hindi ikinaila ng 53-year-old actor na si Albert Martinez na kinabahan umano siya sa love scenes nila ni Bea Alonzo (26) sa kanilang bagong serye na magsisimulang mapanood nga­yong June 16 bilang kapalit ng The Legal Wife na magtatapos ngayong June 13.

Ayon kay Albert, kahit matagal na siyang actor, hindi pa rin daw nawawala sa kanya ang kaba sa tuwing may bago siyang sisimulang project.

Through the years, lalong humusay si Albert sa kanyang pagiging aktor kaya hindi siya nawawalan ng projects sa bakuran ng ABS-CBN at animo’y isa na siyang resident actor ng Kapamilya Network.

Ang nakakapanghinayang lamang, hindi ito nagawa ng kanyang kapatid na si William Martinez na siyang sikat na sikat noon nung kapwa sila nasa bakuran ng Regal Films.

 

COCO

KANYANG

MAYBE THIS TIME

SARAH GERONIMO

STAR CINEMA

SUMUNOD

TAONG

WILLIAM MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with