Maricar sinasadyang hindi mabuntis

Hindi si Maricar Reyes kundi ang marami niyang tagasubaybay ang inip na inip na sa kanyang pagbubuntis. May ilang panahon na rin silang nakakasal ni Richard Poon, pero hanggang ngayon wala pang senyales na magkakaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

“Sinasadya namin ito. Nung ikasal kami ay talagang pinlano namin kung kailan kami magkakaroon ng anak. Idi-delay muna namin ito at i-enjoyin muna namin ang isa’t isa. Baka pagkatapos ng series na gagawin ko, ang Sana Bukas pa ang Kahapon, baka mag-decide na kaming magka-baby,” anang magaling at higit na gumandang aktres na nagsabing pinakamasamang role ang gagampanan niya sa serye na pagtatampukan ni Bea Alonzo. “Ako si Shasha Bayle, ang evil personified na stepsister niya. I’m so mean in the series that I’m afraid maraming viewers ang magagalit sa akin but I’m sure mari-realize rin nila na it is only a role,” pagtatanggol niya.

Ang Sana Bukas pa ang Kahapon ang seryeng papalit sa The Legal Wife kaya kabado ang lahat ng cast na baka hindi nila masundan ang kasikatan nito. Sini-share naman ng dalawang direktor ng serye na sina Trina Dayrit at Jerome Pobocan ang pag-aalalang ito nilang lahat. Pero nananalig sila at umaasa na magugustuhan din ng manonood ang bagong palabas dahil maganda rin naman ang story and script nito. “Yung kabog ng dibdib na naramdaman ko nang una kong mapanood ang trailer ay sapat nang assu­­rance na may maganda kaming proyekto,” may pagtitiwalang sabi ni Direk Trina.

I’m sure nawala rin ang ka­ba na nararamdaman ni Bea Alonzo nang marinig ang ma­gagandang papuri sa kanya ng mga co-stars niya lalo na nina Susan Roces at Dina Bonnevie na umaming tagahanga niya.

Andre ginanahang mag-artista

Ewan ko kung mapapangatawanan ni Andre Paras ang hindi pagkakaron ng girlfriend para makapag-focus siya sa kanyang pag-aartista. Sa guwapo niyang ‘yun at sa hindi mapigilang paglapit sa kanya ng mga sing-edad niya at naggandahan ding mga babae, talaga masusubok ang katatagan niya.

Biglang ginanahan si Andre sa kanyang pag-aartista. Paano ba naman, kumita ang kanyang unang movie na Diary ng Panget. Tapos may kasunod agad na serye sa TV, ang The Half Sisters na kung saan ay katambal naman siya ni Barbie Forteza. Dahil sa kakaibang istorya ng The Half Sisters, inaasahan na magtagagal ito sa ere at mapapansin si Andre na makapagmamalaki na ngayon sa ama niyang si Benjie Paras dahil gumagawa na rin siya ng sarili niyang pangalan at hindi na lamang siya anak ng isang dating sikat na basketbolista.

Nonie Buencamino nakakapagpagaling ng may sakit!

Life story ng isang healing priest ang ibabahagi sa Maalaala Mo Kaya nga­yong gabi. Ito si Fr. Efren “Momoy” Borromeo na gagampanan ng award-winning actor na si Nonie Buencamino. Paano natuklasan ng batang Efren ang kanyang kakayahang magpagaling ng mga may sakit at makakita ng mga kaluluwa ng mga namayapa na? Gaano katindi ang mga pagsubok sa pananampalataya na kanyang pinagdaanan?

Gaganap bilang batang Efren sina Kyle Banzon at John Manalo. Tampok rin sa upcoming episode sina Juan Rodrigo, Malou de Guzman, Natha­niel Britt, Lemuel Pelayo, Josef Elizalde, Tom Do­romal, Nick Lizaso, Mike Austria, Louella de Cor­dova, Encar Benedicto, Odette Khan, Jacob Dionisio, Paolo Santiago, Joonee Gamboa, Nan­ding Josef, at Anita Linda. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando.

 

Show comments