Dapat pagbutihin ni Barbie Forteza ang kanyang pagiging bida sa The Half Sisters, dahil kung hindi ay baka ma-overwhelm siya ng acting ni Thea Tolentino na marami ang nagsasabing napakagaling sa role niyang kontrabida. Kung kaya ni Thea na magmukhang kaawa-awa, kaya rin pala niya na magmukhang maldita and be as effective.
Magaling naman si Barbie, nasa kanya ang isang role na kagigiliwan ng mga manonood lalo’t siya ang kapareha ni Andre Paras pero dapat ay umagapay siya at hindi patatalo kay Thea na kinakarir sa palabas nila ang pagiging bad girl.
Isko aminadong madalas kasama ang anak ni Erap
Mukhang mahihirapan ang mga hindi maka-Isko Moreno na siraan ang vice mayor ng Maynila dahil lang mahusay ito at tapat sa kanyang trabaho. Ngayon ay inili-link nila siya kay Jackie Ejercito, dahil lamang nakikita silang madalas na magkasama. Pero ipinaliwanag ito ni Isko na may mga trabaho silang ginagawa na magkasama para sa Maynila at sa trabaho lang ‘yun, walang personalan.
Tila nga naman nakalilimot ang marami na paÂmilyado ang vice mayor at hindi nito ilalagay sa alanganin ang kanilang marriage and family.
Dingdong makikipagsayawan kay Marian!
Aba at kung hindi napakasuwerte ni Marian RiÂvera, ay hindi ko alam kung ano ang itatawag sa naÂpaÂkagandang gesture ng kanyang boyfriend na si DingÂdong DanÂtes na nag-presintang magsaÂyaw sa kanyang programa. Matatandaang sa pagsasayaw nagsimula ng kanyang career ang aktor, pero kung pagsasayawin siya ni Marian, sana hindi hip-hop kundi ballroom, na tulad ng tango nila ni Joey Paras sa Dance of the Steel Bars. Puwede ba Dong?