MANILA, Philippines – Sinisiguro ni Matteo Guidicelli na alam ng ina ni Sarah Geronimo ang kanilang paglabas.
Sa kanyang panayam sa late-night news show ng ABS-CBN na “Bandila†tinanong siya kung alam ba ni Mommy Divine ang kanilang mga date ni Sarah.
“Oo naman, alam nilang lahat, alam nilang lahat 'yon,†sagot ng artista.
Pero kahit ilang beses nang nakikitang magkasama sina Sarah at Matteo nanatiling tikom pa rin ang bibig ng dalawa.
“Wala naman akong dine-deny, wala kong sinabi,†banggit ni Matteo. “Basta we're enjoying every moment.â€
Samantala, masaya rin ang Kapamilya actor sa tinatamasang success ng kanyang “rumored girlfriend†na si Sarah.
“She deserves every bit of it,†sabi ni Matteo tungkol sa bagong pelikula ni Saraha na “Maybe This Time†kasama si Coco Martin. “She's amazing, she's talented. Now I think she deserves to enjoy her life more.â€
Matagal nang nali-link si Sarah kay Matteo at marami na rin ang nasasabing mag-â€on†na sila ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa.