MANILA, Philippines - So GGSS pala ang pakiramdam ng isang aktres sa sarili. Yes as in gandang-ganda sa sarili raw si aktres samantalang ayon sa source, nasusuka-suka ang leading man nito sa kanya tuwing magkakaroon sila ng love scene sa kanilang ginagawang teleserye. Hindi raw talaga ma-stomach ni actor. Pero wala raw siyang choice dahil trabaho ang ginagawa nila at kailangan ang kanilang mga eksena ayon sa source na friend ng aktor.
Diyos na lang ang bahala sa mga nag-aakusang bakla ako - Martin
“Well hindi na ako affected, ang family ko, yes,†mabilis na sagot ni Martin del Rosario kung kino-consider niyang cyber bullying ang pagkakalat ng photo na umano’y may ka-kissing siyang lalaki.
“Bahala na ang Diyos sa kanila,†dagdag ng actor na humarap sa ilang entertainment press para sa advocacy film - anti-bullying campaign - titled Marka.
Matagal na kasing isyu ang tungkol sa kanyang gender na hindi rin niya alam kung saan nanggagaling.
May lovelife ba siya?
“’Yung sa last girlfriend ko, last July pa kami nag-split,†sagot ng actor na wala namang naging experience sa pambu-bully kahit noong kanyang kabataan.
At wala pa palang contract sa GMA si Martin. Hindi pa nagkakapirmahan dahil may mga inaayos pa raw. Next week daw definite na ang pagiging Kapuso niya.
Sino naman sa Kapuso actresses ang gusto niyang makasama?
“Si Lauren Young. Si Lovi (Poe) or Marian (Rivera).â€
Anyway, ang pelikulang Marka ay produced ni Mr. Jojo Matias. Dati siyang member ng That’s Entertainment pero ngayon ay may-ari na siya ng isang elementary school sa Cabanatuan.
Hindi ito ang first time na namuhuan siya sa indie film. Nauna niyang ginawa ang Delusyon na pinagbibidahan ni Jake Vargas.
Pero walang commercial exhibition ang Marka. Sa mga eskuwelahan lang ito mapapanood.
Nang tanungin namin kung magkano ba ang usually capital niya sa ganitong indie? “Umaabot din sa P1.5 M.â€
Nare-recover ba niya ‘yun sa unang ginawa niyang indie?
“Oo naman. Kasi hanggang ngayon ipinalalabas pa rin ‘yun (Delusyon) sa iba’t ibang probinsiya,†sabi ni Mr. Matias. Advocacy film din ang Delusyon – drugs and crimes – sa mga kabataan.
At bakit si Martin ang napili sa pelikua?
Katuwiran ni Mr. Matias, maamo ang mukha ng actor na matagal-tagal ding naging Kapamilya bago nag-alsa balutan.
Ang kuwento, grade school pa lang noon si Billy (Martin) nang makaranas ng pambu-bully mula sa kanyang dalawang kaklase. Magmula nang magtapos ng elementarya, naging kaklase pa rin niya ang dalawa sa high school sa isang pribadong paaralan. Ayaw pa rin siyang tigilan ng dalawa, pilit man niyang umiwas sadya siyang ayaw lubayan. Alam ng mga magulang ni Billy ang problema ng anak, itinuring lang nilang away-bata ang lahat. Ilang ulit ding napahamak at nagkaroon ng epekto sa kanyang pag-aaral hanggang muntik na itong hindi makatapos ng hayskul. Isa lamang ang kuwento ni Billy sa maraming kuwento ng bullying sa mundo na siyang mapapanood sa Marka.
Albert natigalgal kay Bea
Natigalgal pala si Albert Martinez sa love scenes nila ni Bea Alonzo para sa serye na Sana Bukas pa ang Kahapon.
“’Yung first day ko sa set, parang paano ko maha-handle ito.
“Honestly kinabog talaga ako, ‘yung magkaroon ka ng leading lady na ganito,†sabi ng actor sa presscon ng serye.
Halos kalahati lang kasi ng edad niya ang age ni Bea bukod pa sa dekada na ang lumipas nang last time na magkaroon siya ng love scene with Joyce Jimenez (Scorpio Nights 2) na ngayon ay pamilÂyado na at nakabase na sa Amerika.
“To top it all, ‘yung day 2 namin ay love scene parang bigla akong nabobo sa eksena na ‘yon. Ako ang kinabahan. Buti na lang si Bea is a very good actress. She handled it well and the scene turned out to be beautiful,†paliwanag naman niya.
“Siguro ang diffeÂrence ng love scene naming dalawa, sa amin kasi it’s romantic. It’s a love scene between husband and wife and parang make-up love scene, so iba ang feeling. ‘Yung sensuality, hindi part ng love scene. It’s all about love, it’s all about care, it’s all about passion. Artistic so maganda lumabas ang eksena,†sabi niya sa role bilang asawa ni EmÂmanuelle, na isang feisty lawyer na isa sa mga character ni Bea sa seryeng bida rin sina Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie, Paulo Avelino, Anita Linda, Eddie Garcia, at Susan Roces at mapapanood simula sa June 16 sa ABS-CBN.
Julia isinugod sa hospital
Isinugod pala sa hospital si Julia Barretto dahil sa sobrang taas ng lagnat kahapon. Sa kanyang post sa Instagram account ipinakita niyang nasa hospital siya.
Hindi kaya nasobrahan na ng trabaho si Julia tapos siyempre, kahit ayaw niyang aminin apektado siya sa gulo sa kanilang pamilya na palala nang palala na.