MANILA, Philippines - Mapa-bata man o matanda at kahit ano pa ang trabaho at katayuan sa buhay, may pagkakataong umasenso at yumaman. Kaya naman sa My Puhunan ngayong Miyerkules (Hunyo 4), aalamin ni Karen Davila ang mga negosyong maaaring simulan sa halagang P500 lang.
Aalamin niya ito mula sa negosyante at life and wealth coach na si Chinkee Tan, na bukod sa magbibigay ng mga ideyang pang-negosyo gamit ang kapital na P500 ay magbabahagi rin ng tips sa pagtatayo ng matagumpay na negosyo.
Bukod diyan, isasalaysay rin ni Karen ang kwento ni Susie Ayson-Yabut, ang may-ari ng Susie’s Cuisine na sumikat dahil sa mga naka-bilaong kakanin nitong timplang Kapampangan kagaya ng halayang ube, sapin-sapin, rice cake, at moche.
Mula sa barung-barong nilang karinderya noon, mayroon na silang 14 branches ngayon. Nakakabenta na sila ng P5 milyong halaga ng mga kakanin lalo na tuwing Pasko.