Seen : Positive at encouraging ang karamihan sa mga komento tungkol sa pag-amin ni Richard Gutierrez na may anak na sila ni Sarah Lahbati.
Scene : Napanood sa 20 countries noong Linggo ang pilot episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez at marami ang nagulat dahil maraming TV ads ang reality show ng Gutierrez family.
Seen : Ipinagdiwang nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong Linggo sa isang French restaurant ang second anniversary ng kanilang relasyon na tumapat sa gabi ng rebelasyon ni Richard sa It Takes Gutz to be a Gutierrez na may anak na sila.
Scene : Hindi convincing ang portrayal ng former singer na si Carlo Orosa bilang gay manager ni Jasmine Curtis Smith sa Jasmine ng TV5. Pero magaling si Jasmine.
Seen : Nag-sorry si Regine Velasquez sa kanyang Twitter follower na tinarayan niya. Nagpakita lamang ng concern ang Twitter follower na nagsabi na dapat magpahinga si Regine dahil pagod na ang boses nito na sumablay sa song number niya sa Sunday All Stars ng GMA 7.
Inamin ni Regine na uminit ang kanyang ulo dahil tao lamang siya.
Scene : Pagkatapos punahin ang kanyang pagod na boses, hindi dapat masamain ni Regine Velasquez ang mga obserbasyon na parang suman siya sa tight fitting gown na ginamit niya sa Sunday All Stars noong Linggo.
Seen : Behaved kahapon si Joy Viado dahil hindi siya masyadong nang-agaw ng eksena sa presscon ng My Illegal Wife ng Skylight Films. Narendahan ni Joy ang sarili kaya hindi na-torture ang mga reporter sa kanyang mga biro na siya lang ang natatawa.
Scene : Ang early Philippine Independence Day celebration sa New York noong June 1 na pinangunahan ni Apl.de.ap ng Blackeyed Peas.