KC pumiyok na sa pagbubuntis

MANILA, Philippines - Nakarating na kay KC Concepcion ang intrigang buntis siya kaya kasalukuyang nasa New York. Sinagot niya ito sa kanyang Instagram account with matching photo habang nagwu-work out. “Once & for all: What is this rumor that I am “pregnant”??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life. Someone tried to spread this rumor since I left for Paris at 18 & wow now it’s back? Please.

“When the time comes that I would be blessed with a beautiful baby I will be the first one to proudly announce it to my family, friends, supporters, loved ones. Although I don’t want to be rushed... I honestly can’t wait for that day... Have a happy day, beautiful people!!! Let’s work on getting fit, healthy & happy,” sabi ni KC sa kanyang Instagram photo na kita pa ang kanyang abs.

Matagal-tagal na ring nasa New York si KC dahil sa kanyang pagma-master sa acting.

Zanjoe pumayag pahimas kay Pokwang

Laswa-laswaan ang naging tsikahan kahapon para sa family comedy movie na My Illegal Wife ng Skylight Films starring Zanjoe Marudo and Pokwang.

Game na game kasi ang dalawang bida na ikuwento ang ilang eksena nila sa kama. Maghapon daw kasi nilang ginawa ‘yun kung saan nakatanga lang ang ko­medyana at naka-shorts lang ang aktor kaya nagkaroon ng chance na plantsa-platsahin (haplos-haplusin) ni Pokwang ang leading man.

At in fairness na-keri naman daw ni Pokwang ang pamamalantsa sa aktor dahil talagang nadunggul-dunggol niya ang pagkalalaki ng aktor.

Ano naman ang pakiramdam ni Zanjoe?

 â€œOkay lang naman kasi kasama talaga sa eksena,” sagot niya.

Eh nang tanungin kung anong pinakatodong ginawa nila.

 â€œHelicopter,” mabilis na sagot ni Zanjoe na hindi na puwedeng i-elaborate dahil hindi naman for adults ang pelikula. Pero say ni Zanjoe parang spaghetting pababa nang pababa na inayunan ni Pokwang.

 â€œTotoo ‘yon! Iba-ibang anggulo! Kiyeme! May tsuk, pak, boom! Iba-ibang positions! 1,500! Ganyan!

“Di baleng mauntog na, matamaan ang kung anu-ano! Ha! Ha! Ha!” sagot naman ng aktor.

Sinadya bang hawakan ni Pokwang ang pagkalalaki ni Zanjoe?

 â€œKunwari, nakatalikod siya pero dumadaklot! Ha! Ha! Ha!” dagdag ng aktor.

Mabuti na lang daw ay may Flappy bird ang short ni Zanjoe kaya may nakaharang.

“Pawis na pawis kaya ako nu’n! Dahil mainit ‘yung eksena! Chos! Hindi dahil maraming ilaw! Nag-init? Slight lang! Ha! Ha! Ha! FYI, hindi ito bold. Ano lang. Semi porn! Chos! Ha! Ha! Ha!” panga­ngatuwiran pa ng komedyana.

At nang tanungin naman siya kung willing ba siyang maging kabit ng boyfriend ni Bea Alonzo?

 â€œSa edad ko bang ito, aarte pa ako?” patawang sagot ni Pokwang. Kahit nga raw si Empoy na kasama rin nila sa pelikula ay papatusin na rin niya lalo na nga’t matagal-tagal na rin siyang nakakaranas ng tagtuyot.

Masyado na raw kasing comfortable ang dalawa with each other kaya kahit may mga ganung eksena, wala na silang ilangan. Ginagawa na lang nila lahat.

Kasama rin sa pelikula sina Empoy, Joy Viado, Pooh, Edgar Allan Guzman, Beauty Gonzales, at Anita Linda with Mikylla Steven and Ellen Adarna.

Showing ito sa June 11, directed by Tony Y. Reyes.

Anak ni Marjorie at amang si Kier Legazpi, hindi nag-uusap

Hindi pala nag-uusap ang mag-amang Kier Legazpi at Dani Barretto.

Aminado ang anak ni Marjorie Barretto na sinubukan nilang maayos ang situation nilang mag-ama pero parang too late na raw. “We don’t talk. We don’t speak. We tried to build a relationship but I guess, it was too late,” sabi niya sa The Buzz last Sunday.

Parang super strong ang character ng panganay ni Marjorie nang magpa-interview kay Tito Boy, tungkol sa gulo nila ng kanyang tita Claudine dahil sa sagutan nila sa social media.

Actually, kung hindi siya nagpa-interview sa TV, hindi naman gaanong aware ang marami sa sagutan nila ng kanyang tita.

Nirereklamo kasi niya na bina-bash siya na sila rin naman ang may kasalanan dahil active sila sa social media.

Kung hindi naman sila nagsasagutan sa mga networking site, sana hindi rin siya makakatikim ng panlalait at paninira sa Internet.

Pero dahil sa pagpapa-interview nila sa TV, mas lalo silang pinagpipiyestahan.                                                    

E Boutique puro authentic ang tinda

Gusto n’yo bang bumili ng mga branded na bag pero naghahanap kayo ng may discount?

Well, nire-rekomenda ni Nay Lolit Solis ang E Boutique na matatagpuan sa Banawe in Quezon City na pag-aari nina Ms. Carol Ngo at Mr. Chris dela Cruz.

Ang say ni Nay Lolit, ang bobongga ng bag na tinda nila kaya talagang maaaliw kang mamili.

In na in ngayon ang patalbugan ng mga branded na bag sa mga babae kaya naman sakto ang pagbubukas ng E Boutique.

Affordable daw ang mga tinda nila pero sure na authentic at walang peke.

Ang dami kasi ngayong nagsusulputang bag na ‘pag hindi kayo marunong tumingin ng orig, maiisahan kayo.

Kaya go na lang sa E Boutique.                

Show comments