Back-to-school tips sa good news ngayong lunes

MANILA, Philippines - Ngayong Lunes sa GMA News TV, mga back-to-school tips ang hatid ng news magazine show na punung-puno ng positivity – ang Good News kasama si Vicky Morales.

Perfect sa mga busy mommy ang mga snack idea na siksik sa sustansiya na tampok ngayong Lunes ng gabi. Bukod sa madali lang itong gawin, maganda pa ito sa paningin. Siguradong gaganahan ang mga chikiting sa Sandwich-on-a-Stick at ang Good News’ healthy pizza.

Bida rin ngayong Lunes ang papaya na hinog man o hilaw ay hindi na bago sa lutuan. Pero para maiba naman ang handa, abangan ang mga kakaibang recipe na pi­nag­bibidahan ng prutas na ito. Mula sa ma­lamig na sopas at kakaibang lumpia, hanggang sa panghimagas na sinamahan ng gata ng niyog, ang papaya swak sa sustansiya’t lasa.

Hindi kailangang sumakit ang ulo sa matin­ding gastusin ngayong pasukan.  Gamit ang mga murang materyales, makakagawa ng school supplies gaya ng pen­cil case, notebook at bag na angat sa iba. At bukod sa hap­py ang mga chikiting dahil sa maganda at cute na gamit, isang kakaibang bonding time rin ang paggawa ng mga back-to-school project na ito.

Ilan lamang ito sa mga positive stories mula sa Good News kasama si Vicky Morales nga­yong Lunes, June 2, 8 p.m. sa GMA News TV.

 

Show comments