Sino ba ang nagsabing bawal makipag-kissing scene kay Sarah Geronimo? Eh sa Maybe This Time ay nagpahalik siyang muli sa lips kay Coco Martin. Hindi man ito tulad nang paglalapat ng labi ng maraming gumagawa sa screen dahil nilagyan ng choreography, it was a meeting of lips, just the same. At pangaÂlawa na ito dahil sa It Takes a Man and A Woman, nahalikan din siya sa labi ni John Lloyd Cruz.
Nagbigay ng kilig sa maÂnoÂnood ang love team ng dalawang artistang first time na magÂtambal bilang Tonio and Teptep. Obviously, hindi ‘yun magiging first and last time na magkaka-engwentro ang dalawa. I’m sure marami ang mai-engganyo na panoorin ang pelikula kung ang hanap nila ay kilig, dahil marami nito sa movie. Nakabibilib si Coco dahil nagawa niyang maÂkipagsabayan sa comedy kay Sarah and vice versa.
Malayo na ang inaabot ng box-office queen simula nung una silang magharap ni Coco sa isang seryeng musical sa TV. Nagda-drama na siya!
Parang nakulangan lang ako sa support group na ibinigay sa kanila. ‘Yung grupo na sumuporta kina Laida at Miguel na binubuo nina Matet de LeÂon, Joross Gamboa, at iba pa, was perfect. Magaling din ‘yung nakasama nina Sarah at Coco, pero may kulang nga sa kanila. Mabuti na lang andun si Ogie Diaz para punan ang kulang.
Parang napaka-predictable nung sitÂwasyon ng ina ni Sarah, na ginagampaÂnan ni Shamaine Buencamino. Pero napunan din ‘yun ng naging sitwasyon ng character ni Boboy Garrovillo,
Sa kabuuan, masaya at nakaka-in love ang MTT. Masisiyahan ang mga fans ng drama actor dahil sobrang guwapo niya sa pelikula.
Mga beki sa Maynila dumagsa sa Mr. & Ms. Olive C 2014
I’m sure sa rami ng may potensyal na maging artista sa mga kandidato sa Mr. & Ms. Olive C 2014 finals na ginanap sa Skydome ng SM nung Biyernes, May 30, meron at merong susunod sa mga yapak ng mga sumikat nang winners sa nasabing paligsaÂhan para sa mga teens na tulad ni Hiro Peralta, dating Magalona.
Kapuna-puna lang na mas marami ang magagandang babae kaysa sa lalaki at napag-iwanan sa height ang maraming lalaki. Hindi ko lang malaman kung bakit lahat yata ng kabataang beki sa Kamaynilaan ay nanÂdun sa lugar at ginawang cheap ang presentation dahilan sa kanilang malaswang pagkilos at pag-cheer sa mga lalaking kandidato.
DJ Richard mahusay mangharana
Very relaxing naman ‘yung pang-hatinggabing progrma ni DJ Richard Enriquez na Moonlight Serenade sa Teleradyo. Napaka-gaganda ng mga pinatutugtog niyang musika na mula sa panahon ng aking kabataan. I’m sure marami ang nanonood sa kanya kahit pa hindi ko ibase sa mga tumatawag sa kanyang cell phone at nagpapabati.
Magaganda rin ‘yung mga support video scenes na nakikita habang may tumutugtog na musika. I especially like ‘yung mga nakasabit na dream catchers sa isang sampayan na ipinalabas nung Biyernes. Ang dream catcher na ito ay bahagi rin ng seryeng The Heirs ng ABS-CBN na nagsisimula nang mapansin at sundan ng mga manonood dahil maganda ito at nakakakilig din. Starring dito si Lee Min Ho at si Park Shin-Hye na kamukha ni Jennica Garcia.