Sarah at Gary V. aangkinin ang ASAP centerstage

MANILA, Philippines - Bueno-mano sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ang makatindig-balahibong back to back performances nina Pop star Princess Sarah Geronimo, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa ASAP 19 ngayong Linggo (June 1.)

Magliliyab ang ASAP centerstage sa electrifying dance moves ni Mr. Pure Energy sa paglulunsad ng kanyang bagong single na SAYTAY kaback-to-back ang nakakayanig na concert spectacle mula sa lead star ng box office movie na  Maybe This Time, Sarah Geronimo.

Matinding hatawan naman ang hatid ng King of the Gil na si Enrique Gil kasama ang PBB ex-housemates na sina Axel Torres, Cess Visitacion, at Chevin Cecilio.

Huwag namang palalampasin ang mga patok na dance craze hits na muling pasisikatin ng Kantoboys Jr. na sina Bugoy Carino, Clarence Delgado, lzzy Canillo, at Zaijian Jaranilla.

Nakakapasong sexiest dance moves naman ang ipapamalas nina Jessy Mendiola, Bangs Garcia, at Meg Imperial kasama ang mga hot ladies na sina Petra Mahalimuyak, at Sara Polvorini. May pasabog din na dance treats sina Enrique, Shaina Magdayao, Julia Montes, Erich Gonzales, John Prats, Rayver Cruz, Arron Villaflor, Sam Concepcion kasama ang mga dance authorities na sina Joshua Zamora at Regine Tolentino.

Mamangha sa special song performances kasama ang dating lead vocalist ng Alamid na si Gary Ignacio, Erik Santos, Xian Lim, Vina Morales, Yeng Contantino, Angeline Quinto, Nyoy Volante, Klarisse De Guzman, Morissette Amon, Nikki Gil, Jason Farol, at Zsa Zsa Padilla; ihahandog naman ng ASAP Sessionistas ang showbiz love stories na pangungunahan nina Aiza Seguerra, Richard Poon, Sitti, Kean Cipriano, at Juris.

Makisaya sa longest-running at award-winning variety show, “ASAP 19,” ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN.

 

Show comments