Bagaman at marami ang hindi pa lubusang natatanggap na magiging isang dance show host si MaÂrian Rivera, walang pagdududa katiting man ang GMA na makakaya nitong itaguyod ang kanyang pinaka-bagong endeavour na magÂsisimulang mapanood sa June 22.
Hindi naman ang kakayahang magsayaw ng akÂtres ang pinangangamÂbahan maging ng kanyang mga tagaÂhaÂnga kundi ang kakayahan niyang mag-host. Pero ipinangako ng GMA na gugulatin ng aktres ang lahat sa ipaÂmamalas niyang kakayahan hinÂdi laÂmang sa pagsasayaw kundi sa pagiÂging isang host ng isang bagong progÂrama.
Ako wish ko na bigyan siya ng GMA ng isang magaling na co-host at kapartner sa sayaw. Parang kulang kung si Paolo Ballesteros lang.
Eh kung si Dingdong na lang kaya ang maging co-host niya?
Coney hindi nakatiis sa dating bahay
Masaya ako na makasamang muli si Coney Reyes bilang Kapuso. Baka nakalimutan n’yo na bago siya naging Kapamilya ay naging host siya ng Student Canteen with Eddie Ilarde and Bobby Ledesma at Eat Bulaga kasama ang TVJ. BInabalikan lamang ng magaling na aktres ang kanyang pinag-ugatan. Wish ko na sana ay makasanayan na niyang muli dito para hindi na siya umalis pang muli. Magiging malaÂking asset siya ng network na unti-unti nang nakokopo ang mga magagaling na senior stars.
Mas palala…
Sa halip na matapos ang away ng magkakapatid na Barretto ay tila mas lumala pa ito ngayon. Habang nananahimik pansamantala si Gretchen, heto at nabaling ang atensyon kina Claudine at Marjorie naman. At hindi patatalo ang dalawa dahil mas maraming isyu na lumalabas sa kanila at marami na rin ang nadadawit na ibang tao.
Hay naku, paano kaya matitigil ang kanilang away? Hindi naman sila maaring pagsawaan, lalo na ang media, dahil nga sa mga ginagawa nilang paÂsabog.
Hindi kaya sa huli ay sila ang sumabog?
Robin at Mariel naghihintay munang tumanda bago mag-anak
Kung nag-anak agad sina Robin Padilla at MaÂriel Rodriguez ay baka tumatakbo na ang anak nila. Pero dahil mas gusto pang masolo ni BiÂnoe ang kanyang misis kung kaya ipinagpaliban nila ang pagkakaroon nila ng baby.
Aba, hindi na sila bumabata hah! Hindi naman pweÂdeng silang dalawa na lang forever and ever. Sooner or later, they will be wishing na may anak sila, so bakit hindi pa ngayon na bata pa sila at makakaya ang napakahirap na trabaho na pagpapalaki ng anak.