^

PSN Showbiz

Bading nga aktor asiwang-asiwa sa pakikipaglampungan sa leading-lady

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malapit na akong maniwala na baklita ang aktor na matagal nang pinagdududahan ang gender dahil ingat na ingat siya sa kanyang mga kilos at pagsasalita.

Parang any moment, lalabas ang tunay na pagkatao ng aktor kapag nadulas o natapilok siya.

Hindi nakaligtas sa aking matalas na paningin na hindi siya komportable sa love scene nila ng kapareha niya sa isang TV show. Halatang-halata ang pagkaasiwa ng aktor  sa mga eksena nila ng kanyang leading lady.

Marjorie selyado ang bibig sa demanda kay Claudine

Hindi nagpainterbyu si Marjorie Barretto sa Startalk tungkol sa muling sumiklab na away nila ng kanyang kapatid na si Claudine.

Tumanggi rin si Marjorie na magsabi ng message niya para kay Claudine na understandable para hindi na lumaki pa ang kanilang dati nang malaking away.

Nagsadya sa korte si Marjorie noong Biyernes, kasama ang kanyang lawyer pero tumanggi sila na magsalita sa naging pakay nila. Ang hula ng mga intrigera, may kinalaman pa rin kay Claudine ang pagdulog ni Marjorie sa korte.

Kylie halatang mahal pa si Aljur

Sisikapin ng Startalk na makuha ang panig ni Aljur Abrenica tungkol sa isyu ng paghihiwalay nila ni Kylie Padilla.

Napaiyak si Kylie habang sinasagot nito ang mga question tungkol sa break up nila ni Aljur.

Ang inasal ni Kylie ang ebidensya na mahal pa rin niya ang kanyang ex-boyfriend. Ang tanong, may pagmamahal pa rin ba si Aljur kay Kylie?

Nali-link si Aljur sa kanyang Kambal Sirena leading lady na si Louise delos Reyes pero hindi naman sila nagsasalita tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Puwedeng oo at puwedeng hindi totoo ang mga tsismis na nagkakamabutihan sina Aljur at Louise, kahit marami ang nagsasabi na masyado silang komportable sa romantic scenes nila sa Kambal Sirena.

Jennylyn mahihirapan na uling makahanap ng role

Ang haba ng moment na ibinigay kay Jennylyn Mercado sa finale episode ng Rhodora X.

Parang sigurado na ang pagkakaroon ni Jennylyn ng mga acting nomination sa susunod na taon dahil sa pagganap niya sa Rhodora X.

Mahirap ang role ni Jennylyn sa nagwakas na teleserye ng GMA 7 pero naibigay niya ang acting na hinihingi ng direktor. Mahihirapan na si Jennylyn na makahanap ng role na kasingtindi ng karakter na ginampanan niya sa natapos niyang serye.

Relasyong Willie at Danita walang sabit

Madalas na tumatawag sa akin si Willie Revillame at sa susunod na phone call niya sa akin, uusisain ko siya tungkol sa tsismis na may relasyon na sila ni Danita Paner.

Wala akong nakikita na mali kung sakaling nagkakamabutihan ang dalawa. Matagal nang single si Danita mula nang maghiwalay sila ni JC De Vera at binatang-binata na uli si Willie dahil wala nang bisa ang kasal nila ng kanyang ex-wife na si Liz Almoro kaya malaya ito na nakapagpakasal kay Victor Aliwalas.

Kung totoo man na girlfriend na ni Willie si Danita, lucky girl ito dahil siguradong mamahalin siya ni Willie na matagal nang loveless at nag-iisa.

Maliban sa  lovelife, wala nang mahihiling pa si Willie. Lovelife na lang talaga ang kulang para makumpleto ang kanyang happiness.

Pauleen pinalitan si Heart

Absent kahapon si Heart Evangelista sa Startalk dahil nagpunta siya sa US. Si Pauleen Luna ang special guest co-host namin kahapon sa Startalk dahil wala nga si Heart.

Maraming salamat sa mga sumubaybay kahapon sa aming nagbalik-Sabado na showbiz oriented talk show at nagsabi na type nila ang bagong format ng Startalk.

ALJUR

CLAUDINE

DANITA

JENNYLYN

KAMBAL SIRENA

KANYANG

NILA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with