MANILA, Philippines - Ibabahagi ng mga host na sina Donita Rose, GlaÂdys Reyes, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro ang kanilang cooking skills sa darating na LuÂnes sa programang pampa-good vibes, ang Basta EveÂry Day Happy, na uma-umaga napapanood sa GMA 7.
Bibisita sa Lunes ang mag-asawang singers na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza upang awitan ang mga manonood.
Sa Martes, makikisaya ang Kapuso actress/host na si Solenn Heussaff, komedyanteng si Betong, at si Kai Cortez sa isang nakakalokang kuwentuhan.
Live ang Basta Every Day Happy kasama ang Kapuso actor na si Alden Richards pagdating ng Huwebes. Balitang may mga kuwento at may sasabihin si Alden sa kanyang fans.
Isang live throwback Thursday naman ang hatid ng ng programa sa mga manonood kasama ang sikat na Pinoy rapper na si Andrew E. at ang grupong Salbakuta pagdating ng Huwebes.
Bibisita ang The Half Sisters star na si Barbie Forteza kasama ang ibang mga kiddie celebrities sa Friday episode ng Basta…
Pangpa-good vibes ang programa kaya naman marami na ang naaaliw na panoorin ito.