Doris Bigornia at iba pang press, ibabahagi ang buhay-reporter
MANILA, Philippines - Sarap at hirap ng pagiging isang reporÂter ang itatampok ngaÂyong Sabado (Mayo 31) bilang patikim sa nalalapit na 5th anniversary special ng The Bottomline with Boy Abunda. Aalamin ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang buhay-reporter sa pamamagitan nina Doris Bigornia at iba pang miyembro ng print media. Ano ang sikreto nila sa pangangalap ng scoop o mga eksklusibong istorya? Paano nila hinaharap ang death threats at mga libel case na isinasampa laban sa kanila? Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng media sa sambayanang Pilipino?
Huwag palampasin ang isa na namang malalim, makabuluhan at napapanahong kuwentuhan sa The Bottomline with Boy Abunda, ang 10th USTv Students’ Choice Awards 2014 Students’ Choice of Public Affairs Program, ngayong Sabado, pagkatapos ng Banana Split: Extra Scoop.
- Latest